Chapter 14

655 25 3
                                    

- 1 month later-

"Ba't ang tagal mo?" inis na bungad ko sa kanya nang dumating na siya sakay ang kotse niya.
"Sorry love. Traffic eh. Sakay na." sabi niya sakin at pumasok na ako ng kotse niya. Papunta kami ngayon sa isang event kung saan may audition ang bandang 'Younique'. They are looking for the female main vocalist. Actually, wala talaga akong planong mag audition. Pinilit lang talaga ako ng mokong na'to.

Wala namang maganda o masamang nangyari sa loob ng isang buwan except sa pagpaparamdam sa'kin ni Nash kahit may girlfriend na siya pero hindi naman palagi at sa  pagiging seloso ni Donato. Ewan ko kung nagpapanggap lang siya or what. Ang OA kasi eh. Pero alam ko naman sa sarili ko na hanggang pagpapanggap lang talaga kaming dalawa. At least we built a friendship.  Sinong niloloko ko? *smirk* Really Shar? Friendship nga lang? Anyways, as I've said, we're heading to an event. Dala-dala ko yung gitara ko at pinaglalaruan ko yung mga daliri ko. Kinakabahan ako eh. Hays!
"Okay ka lang?" he asked.
"Dons.." hindi pa ako tapos magsalita nang magsalita ulit siya.
"Love." pagtatama niya. Isa pa yan sa palagi naming pinag-aawayan. Big deal sa kanya na hindi siya tinatawag na 'love'.
"Okay, love." inis na sabi ko. "Pwedeng mag back-out?"
"No! Trust me. You have a voice. I'm sure na makakapasok ka doon." sabi niya.
"Paano kung hindi?" tanong ko.
"Makakapasok ka nga." iritadong sabi niya. Sungit naman nito.
Hindi na ako sumagot pa hanggang sa nakarating na kami.

"Love, kinakabahan ako." sabi ko at hinawakan ko yung braso niya.
"Hahaha! Ang lamig ng kamay mo ha." tawang sabi niya.
"Next is Sharlene San Pedro." malakas na tawag ng emcee nila. Hala! Ako na!!! Kinakabahan talaga ako. Pwedeng umatras? Gosh! Napaatras ako dahil sa kaba. Napansin naman iyon ni Donny. Hinawakan niya yung dalawang balikat ko.
"You can do it!" sabi niya sakin tsaka ako hinalikan sa noo. Namula naman ako sa ginawa niya. Umakyat na ako ng stage dala ang gitara ko. Napatingin ako sa mga tao. Hindi naman sila ganun karami pero nangangatog pa rin yung binti ko. Napatingin ako sa gawi ni Donny. Nagsmile lang siya at nag thumbs up. I took a deep breath as I started strumming my guitar.

Nasira ang lahat ng plano ko
Hindi ko alam kung pano babangon mula sa kalsada mula sa tulay ng hagupit
Ilang taon nakong ganito
Nasanay lang talaga magisa
Naroon ka sa malayong lugar na hindi ko alam

Nakatingin lang ako sa kanya dahil nawawala ang kaba ko kapag tinitignan siya.

Pasensya na mahirap lang talaga maging ganto
Umaasa sa wala at akoy nalilito
Pagibig bay totoo minsan parang loko lang
Sayo lang, sayo lang

Sana malaman ng araw at ng buwan gagawan ko lagi ng paraan, gagawan ko lagi ng paraan

Sana totoo nalang tayo Donato. Sana hindi nalang pagpapanggap yang mga pinapakita mo sakin. Yung nagseselos ka, yung hinahalikan mo ako at sinasabihan mo ako ng 'I love you' sa harap ng mga magulang natin. Sana totoo nalang lahat ng yun.

Ayoko man isipin ang wakas
hindi ko rin naman kasi alam
Kung san nagsimula ang lahat ng ito
Ewan ko ba

Pasensya na kung medyo papansin na naman ako
Wala talagang diskarte ang taong tulad ko
Bakit ba mahirap intindihin ang mundo
Sayo lang, Sayo lang

I admit! I like him...no...I love him. Ayoko sanang mahulog sa kanya dahil alam kong hanggang ngayon yung ex niya pa rin yung laman ng puso niya. Pero trinaidor ako ng puso ko. Kaya palagi kang nasasaktan heart eh!

Sana malaman ng araw at ng buwan gagawan ko lagi ng paraan, gagawan ko lagi ng paraan

Minsan lang matakot sa isang katulad mo
Hindi ko kasi alam ang diskarte sa taong bato
Badtrip lang talaga bakit bako ganito
Sayo lang, sayo lang.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now