1

208 10 0
                                    

---------------------------------

Jaira's POV
~Kringggggg kringgggg

Nagising ako sa ingay ng alarm ko kaya agad kong to pinatay. Tumayo na ko at nag unat unat para magising na ng tuluyan yung diwa ko.

Hi! Ako nga pala si Jaira Louise Alcantara pero Jai ang pinapatawag ko sa kanila nahahabaan ako sa Jaira e hahahahaha. 17 y/o magfofourth year highschool na ko sa pasukan.

I don't have friends. Why? Ginamit lang kasi nila ko ay basta mahabang storya. Physical appearance? Wag niyo ng tanungin dahil ang panget ko sobra. Malaki salamin, may brace at buhag hag yung buhok ko kaya ayun bully doon bully everywhere.

Dahan dahan na kong bumababa ng hagdan para hindi magising yung mga tao dito magjojogging kasi ako para maging healthy right?

Dumaan na yung oras nakaramdam na ko ng pagod kaya nagpahinga muna ako sa may park malapit samin.

"Hayyyyy" buntong hininga ko.

Naalala ko na naman kasi yung mga dati kong kaibigan bangungot sakin yung mga yun natrauma na ko. Hindi naman talaga dati yung ayos ko yung nerd nag-iba lang talaga ako simula nung nagkipagkaibigan sakin yung impakta na yun. Sabi ko nga na ginamit lang ako para mabili nila yung mga luho nila nung nalaman nila na anak ako ng Alcantara nilapitan nila ako at nakipagkaibigan sakin akala ko sincere sila sa pakikipagkaibigan yun pala hindi. Kaya ayun binago ko yung physical appearance ko nagsalamin ako kahit hindi naman talaga malabo ang mata ko, nagpabrace ako kahit maayos naman yung ngipin ko at buhok ko di ko na masyado inalagaan kaya naging buhaghag na siya.

Kelan kaya ako makakahanap ng tunay na kaibigan?

"Tahoooooooooo!"

Nawala pagmumuni muni ko ng marinig ko ang favorite kong taho.

"Manong Gilbert" tawag ko habang kumakaway sa kanya kaya lumapit siya sa kinauupuan ko.

"Oh ikaw pala yan Jaira! Nakong bata ka kababae mong tao pero grabe kung makasigaw." natatawa niyang sabi.

"Sorry po manong naexcite lang talaga ako sa paninda niyo alam niyo namang favorite ko yan." nakangiting sabi sa kanya.

"Ikaw talaga! Oh eto na ang taho iha." nakangiting inaabot ni manong yung taho sakin.

"Eto po na po yung bayad ko manong Gilbert huwag niyo na po kong suklian" sabi ko kay Manong at inilagay ko sa kamay niya yung pera.

"Iha ang la--" di ko na pinatapos si manong at alam kong kokontra na naman siya.

"Manong naman sa tuwing sasabihin ko na wag mong ibalik yung sukli lagi kang nakontra yan na nga lang po yung paraan ko para makatulong sa inyo. Sige ka manong pag di mo tinanggap yan magtatampo ako sa inyo." sabi ko sabay nguso.

Tumawa naman si manong dahil sa pag nguso. Ganun na ba ako kapangit para tawanan ni Manong?

"Sige na nga iha eto na ang huli na di kita susuklian ang laki kasi yung binibigay mong pera pero maraming salamat Jaira napakabait mo talaga." sambit niya at binigyan ako ng ngiti.

Success hahahahaha.

"Sige po manong Gilbert una na po ako mag-ingat po kayo bye manonggggg." sabi ko sabay takbo papalayo.

Baka kasi magbago pa isip ni manong at ibigay na yung sukli sakin hahahaha.

**
Pagpasok ko sa bahay naabutan ko si manang na naghahain ng almusal para samin.

May naisip tuloy ako kapilyuhan kay manang kaya napangiti na naman ako sa naiisip kong gawin advance sorry manang hahahaha.

Naglalakad na ko ng dahan-dahan papunta sa likod ni manang para gawin yung binabalak ko.

"Good morning mananggggggggg" gulat ko sa kanya sabay hawak sa may balikat niya.

"Hala jusmiyo santo ano ka bang bata ka lagi mo na lang ako ginugulat." sabi niya habang nakahawak sa dibdib niya.

Sorry na manang hahahahaha nakakatuwa kasi pagnagugulat si manang e.

"Sorry na po manang love na love ko po kaya kayo." nakangiting wika ko habang nakayakap na ko sa kanya.

Pinalo naman ni manang yung kamay ko kaya napabitaw ako sa pagkakayap sa kanya at ngumuso ako.

Aray ko ah grabe na si manang mapanakit na.

"Ikaw na bata ka tigil tigilan mo ko sa pag ganyan ganyan mo ah? Ika'y kumain na dyan!" pag-uutos sakin ni manang.

"I love you manang." natawa kong sabi at sabay upo ko sa upuan ko.

"Anong kaguluhan yan." sambit ni daddy na kakapasok lang sa dining area.

"Good morning mommy and daddy." sabay beso ko sa kanila.

"Baby Jai ano na naman ang ginawa mo kay manang ah?" tanong ni Mommy sakin.

"Ayang batang yan ginulat na naman ako." singit ni Manang habang nilalagyan niya ng juice yung baso ko.

Hala kaylan pa naging sumbungera si manang? hahahahaha.

"Ikaw talagang bata ka lagi mong kinukulit si manang." sabay nguso ni Mommy.

Si mommy cool siyang parent both naman sila ni daddy di sila mahigpit mga minsan lang kapag mali na kong nagagawa. Ang cute talaga ng mommy ko kapag nanguso.

"Mommy naman yan nga yung pagpapakita ko kay manang ng pagmamahal." pagpapalusot ko.

"Ikaw talagang bata ka kahit kelan ang kulit kulit mo." sabi niya at pinisil niya pa yung pisngi ko si daddy naman ayun napapailing na lang ng nakangiti samin.

Kumain na kami habang masaya kaming nagkwekwentuhan ng biglang nag-iba ng topic si daddy na ikinatigil ko.

"Baby Jai ngayon darating na pasukan sa school ka na natin papasok okay?" sabi ni Daddy sakin.

Tama ba yung narinig ko? NO WAYYY!!!

---------------------------------

Don't forget to Vote, Comment and Follow!! Thankyouuuu!!!!!

Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon