---------------------------------
Jaira's POV
Nakatambay na kami sa may rooftop na di ko naman inaasahan na ganto yung rooftop na madadatnan ko dito.Ang ganda kasi para siyang rest house di yung rooftop na nakikita niyo sa ibang school basta ang ganda.
May kanyang kanya naman silang pwesto ngayon si JK nakasandal sa may dingding at nakapikit mukang matutulog sina Raizah, Ginnie at Queenie naman kung ano yung pinagkakaguluhan sa may laptop na hawak ni Queenie at si Max naman parang may sariling mundo sa may gilid nagcecellphone lang siya at ako ayun tinitignan ko lang sila.
"Hoy Queenie hanapin mo na bilis." utos ni Ginnie.
"Saglit lang mahal na prinsesa ah?" sarcastic na sagot niya.
"Hurry." dagdag pa na sabi ni Ginnie.
"Ikaw kaya dito? Alam mong hindi madaling hanapin yung mga yun." inis na sabi ni Queenie.
"Joke lang naman Queenie sige na take your time my dear." lambing na sabi ni Ginnie.
"HAHAHAHAHA" tawa naman ni Raizah.
Ano kaya yung pinapahanap nan ni Ginnie? Kanina pa sila kasi nakatutok sa may laptop tska sino ba yung mga lalaki na yun kanina at nag-iba mood netong limang to.
"Uhm a-ano sino yung mga lalaki kanina?" tanong ko sa kanila.
"Ah yun? Wala yun mga pilingero lang yun." sabi ni Max habang nagcecellphone parin.
"Nice timing Jai okay listen to us." sabi ni Ginnie.
Hinarap naman sakin ni Queenie yung laptop na hawak niya. Ano to presentation?
"Joshua Alonzo but his parents and friends called him Josh 18 years old. His parents is Nikki Alonzo and Nicollo Alonzo he is only son and siya ang tagapagmana ng mga Alonzo. Pumapangsampu ang pamilya niya sa pinakamayaman sa Pilipinas. Business? Sila lang naman may ari ng coffee shops at Starbucks dito sa Pinas tska pagkakaalam ko siya yung pinakamabait sa kanilang magkakaibigan." sabi ni Queenie.
May picture na lumabas sa laptop na pinakita sakin ni Queenie. Mukha naman talagang mabait ang amo ng mukha at gwapo pa uyy nagsasabi lang ako ah gwapo naman talaga kasi promise tas singkit pa.
"Alexander Davis Alex for short. His parents is Sarah Davis and Harold Davis may kapatid siya na nakakatanda kaso hindi nakatira dito sa Pilipinas. Pumapangawalo naman ang pamilya niya sa pinakamayaman. Business? Sila ang may ari ng mga bars dito. Sa pagkakaalam ko naman siya ang pinakamaingay sa kanila konting bagay lang ay tinatawanan niya na parang si Raizah." sabi ulit ni Queenie.
Tumigil naman si Raizah sa pagkain niya dahil don sa narinig niya sa sinabi ni Queenie.
Gwapo din katulad ni Josh makarisma kaya di na ko nagtaka kung bakit hinahabol din to.
"Hoyyy Queenie hindi ako maingay no." sigaw ni Raizah.
"See?" tanong sakin ni Queenie kaya tumawa naman ako sa inasal nung dalawa kaya napatingin naman sakin sila Ginnie.
"Hala ang cute tumawa." sabi ni Ginnie.
Napakamot nama ako sa tenga dahil don sa sinabi niya.
"Wag kang mahiya Jai ang cute mo kapag nakangiti ka." sabi ni Raizah at binigyan ako ng ngiti.
"Okay ituloy ang discussion." sabi ni Max. Napatawa naman ako sa inasal ni Max.
"Miguel Enrile Migs for short and his parents is Trica Ann Enrile and Kennedy Enrile 18 years old at may kapatid siyang lalaki na mas nakakabata sa kanya. Pumapang-anim ang pamilya niya sa pinakamayaman sa Pilipinas. Business? Sila lang nagpapatakbo lahat ng Airlines dito sa Pinas. Siya ang pinaka pilosopong kausap at kung magtatanong ka huwag na huwag kang magtatanong don at wala kang makukuhang magandang sagot mula doon." medyong irita sabi ni Queenie.
BINABASA MO ANG
Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)
RomanceIsa siyang anak ng milyonaryo ngunit lagi itong binubully dahil sa kanyang ayos. Manang, buhaghag ang buhok, malaki ang salamin at may braces. Alamin natin ang kwento ni Jaira Louise Alcantara.