---------------------------------
Jaira's POV
Bumaba na kami at dumeretso na sa gym para umattend ng orientation. Nung nakita ako ng mga estudyante na kasama ko sila Ginnie agad silang nagbulungan."Ang tatag niya girl kasama niya parin yung five princesses."
"She looks basura."
"Iww ang panget ng taste niya sa pananamit."
"Saan ba galing to at nakakapasok ang mahihirap katulad niya?"
"Mukha talaga siyang katulong."
Sasanayin ko na lang yung mga chimis nila tungkol sakin wala naman din ako magagawa e.
"Hoy ano yang mga pinagsasabi niyo ah? Kanina pa kayo wala na ba kayo magawa sa buhay at si Jaira ang topic niyo? Naturingan na nag-aaral pero mga ugali parang mga basura." galit na sabi ni Raizah.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Raizah sa mga nagbulungan kanina. They really mean it na proprotektahan na nila ko.
Hindi naman kumibo yung mga babae at umiwas na lang ng mga tingin natakot ata kay Raizah.
"Init naman ng ulo mo bHiE may regla ka ba?" sabi ni Ginnie.
"Manahimik ka nga dan." inis na sabi ni Raizah.
"Sige po mahal na kamahalan." biro ni Ginnie.
Inirapan naman si Raizah at humarap na lang siya sa may unahan.
Natutuwa talaga ako kapag nagbabangayan tong mga to lalo na kapag napipikon si Raizah mukha kasi siyang pikuning duwende hahaha joke lang wag niyong sabihin kay Raizah.
Napatahimik yung mga estudyante sa loob ng gym ng may nagsalita na sa harapan ng stage.
"Hello students of J.L. University." masiglang bati ni ate Ann.
"First let me introduce myself to all of you I'm Angelica Ann Scott but call me Ma'am Angelica and I'm your new principal for this school year." pagpapakilala niya.
Agad naman umingay yung loob ng gym dahil sa mga bulong bulongan nila bakit ang hihilig nilang magbulungan bubuyog ata mga nag-aaral dito.
"OMYG kapatid ba siya ni Christian?"
"Ang ganda talaga ng mga lahi ng Scott."
"Wow ang ganda niya pare."
"My future sister-in-law."
"Hihingin ko na yung basbas niya para samin ni Christian."
"Pare chicks ni Ma'am."
"Bakit andito siya? Ang alam ko minamanage niya yung mga business nila ah."
Ano ba yan para silang obsessed na obsessed sila don sa Christian na yun pati yung mga lalaki pinagpapatansiyahan pa si ate Ann mga walang galang
"Ano ba yan ang lalandi naman ng mga estudyante dito." inis na sabi ni Max. Yeah right.
"Calm down students." pagpapakalma ni ate Ann.
"Yes tama kayo kapatid ako ni Cris." ngiti sabi ni ate Ann.
Really kapatid niya yung sinasabi ni Queenie? Oh god sana po talaga wag siya yung nakaaway ko sa National Bookstore.
"Ma'am ang ganda niyo poooooo~" sigaw nung isang estudyante kaya nagtawanan naman yung iba.
"Salamat." sabi sabay tawa.
"May hahabol pa ba?" tanong ni Ate Ann.
Biglang may tumaas ng kamay.
BINABASA MO ANG
Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)
RomanceIsa siyang anak ng milyonaryo ngunit lagi itong binubully dahil sa kanyang ayos. Manang, buhaghag ang buhok, malaki ang salamin at may braces. Alamin natin ang kwento ni Jaira Louise Alcantara.