---------------------------------
Jaira's POV
Dumeretso na ko sa kusina para ilagay sa lababo yung pinagkainan ko kahit na may kaya kami di ko inaasa lahat ng gawain sa kasambahay namin. Yung kaya ko naman gawin ay ginawagawa ko na para kahit konti ay makatulong na ko sa kanila."Oh kumain ka na baby Jai." alok sakin ni mommy.
"Konti lang po kakainin ko mommy." sambit ko habang naglalagay ng kanin sa plato ko.
"Sige basta bago ka matulog uminom ka ng gatas okay?" ngiting sabi ni Mommy.
Masyado akong binababy ni mommy kahit dalaga na ko pero pinapabayaan ko na lang ang sarap din naman kasi sa feeling na maging baby ka ng magulang mo.
"Opo Mommy." masayang tugon ko.
"Baby Jai pupunta tayo bukas sa school para maibigay na natin yung mga requirements mo mga 9 am tayo aalis at may meeting kami ng mommy mo sa tanghali. Kung gusto mo naman mamasyal papasamahan kita sa isang personal guard mo." sabi ni daddy habang kumakain.
"Ah Dad lilibutin ko na lang po yung school para sa pasukan alam ko na yung mga pasikot sikot doon."
Yun na lang gagawin ko wala naman akong gagawin dito sa bahay tska nakakatamad pumuntang mall.
"Mas mabuti pa nga yan baby Jai hihihi excited na ko para sayo baby." bungisngis na sabi ni mommy.
Ang cute talaga ni mommy kapag ganyan akala mo parang bata kapag naeexcite siya.
"Kapag tapos mo ng libutin yung school tumawag ka na lang sa driver mo kung susunduin ka na okay?" sabi ni daddy sakin.
"Sige po" ngiting sabi ko sa kanila
Nang matapos kong kumain ay umakyat na ko para magtoothbrush at matulog ng maaga.
~Goodnighttttt.
**
Hi Hello Good morning Earth! Ang aga kong nagising dahil excited? Uhm maybe? Pero bigla na lang talaga akong nagising.Time check its already 7am in the morning mag-aayos na ko para deretso alis na lang mamaya.
Nang matapos na ko makapag-ayos dumeretso na ko sa baba para sumabay na kumain kila mommy at daddy.
"Good morning daddy and mommy." saad ko at sabay beso sa kanila.
"Good morning din baby." ngiting sagot sakin ni mommy at binigyang lang ako ng ngiti ni daddy.
"Ready ka na ba baby Jai?" tanong sakin ni Mommy habang nakangiti.
Kahit kelan talaga si mommy akala mo papasok na ko ng school.
"Medyo lang po." awkward kong sabi dahil sa totoong hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagpasok sa paaralan na yun.
"Bakit medyo lang baby?" ngusong sabi ni mommy sakin.
Napatawa ako sa inakto ni mommy dahil sa mukha siyang bibe sa lagay niya ngayon.
"Mommy hindi ko pa kasi naiintindihan yung nararamdaman ko." sabi ko at sabay kamot sa tenga ko.
Nakasanayan ko na kasi magkamot ng tenga kapag hindi ko masabi yung nararamdaman ko at nahihiya.
"Ayy ganun ba? Sorry anak." sabay tawa ni mommy.
"Hon hindi pa naman pasukan para tanungin si baby Jai ng ganyan magpapasa pa lang tayo ng requirements niya. Mukhang mas excited ka pa kay sa anak mo." napailing at natawa si daddy sa sinabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/174832555-288-k967596.jpg)
BINABASA MO ANG
Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)
RomanceIsa siyang anak ng milyonaryo ngunit lagi itong binubully dahil sa kanyang ayos. Manang, buhaghag ang buhok, malaki ang salamin at may braces. Alamin natin ang kwento ni Jaira Louise Alcantara.