8

102 5 0
                                    

---------------------------------

Cris POV
Bwiset kasi si ate Ange kung bakit ako pa inutusan bumili ng libro na yun pwede naman siya na lang kung hindi lang sa sinabi niya hindi ako susunod talaga.

FLASHBACK
Kasalukuyang nanonood ako ng lumapit si ate sakin and for sure mang-uutos na naman to.

"Cris favor naman." ngusong sabi ni ate.

See? Tama ako diba? Tska yuck ang panget niya talaga kapag nagpapacute tska ang tanda tanda niya para ngumuso ng ganyan muka siyang pato.

"Plss lang ate wag kang ngumuso hindi bagay sayo mukha ka talagang pato kaya kung pwede ate." natatawa kong sabi.

"Ang bad mo lil'bro sakin pero bilis na kasi." sabi niya sakin.

Hindi titigil to kapag hindi mo pinagbigyan sa mga gusto niya kaya lagi na lang ako kikilitin nan.

"Ano ba kasi yun? " inis kong sabi.

"High blood bro?" tawang sabi ni Ate.

"Sabihin mo na ate bago magbago yung isip ko at di kita pagbigyan sa ipapagawa mo." inis kong sabi.

"Okay chill lang naman brother pero please bili mo ko nung libro ni Shakespeare yung Hamlet please meron na sa may National Bookstore ngayon tska limited lang yun at wala kang mabibilihan kahit saan kaya please." nagmamakaawang sabi niya

Ayun lang pala akala ko kung ano at iniistorbo pa ko sa panonood ko dito pwede naman siyang sumaglit sa mall para bilhin yun.

"Ayoko ate ikaw na lang bibili lang naman pala ayokong lumabas ate mainit pa sa labas." sabi ko sa kanya.

Bahala siya dyan basta ako manonood lang dito.

"Bili na Cris may ginagawa kasi ako alam mo namang bukas na pasukan niyo at may inaayos pa ko." dipensiya niya.

"A YO KO Ate AYOKO." sabi ko sa kanya.

Aalis na sana ako ng biglang napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya.

"RAIN naman" nakangisi niyang sabi.

Shit pano niya nalaman yung tawag sakin ni Lou? Si Lou lang tumatawag sakin nun ah lintek tong matanda na to saan niya narinig yun? Di niya alam yung tawagan naming dalawa.

"Saan mo nari--"

"Saan ko narinig? Hmm narinig ko ata sa first love mo RAIN." sabi niya sakin at tumawa pa pagkatapos.

Fuck totoo ba? Shit paano? saan niya nakita si Lou? And yes she knows that Lou is my first love.

Magsasalita sana ulit ako ng magsalita siya ulet.

"Oppss wag ng maraming tanong brother sundin mo muna yung inuutos ko at pagbalik mo sasabihin ko sayo." ngisi niyang sabi.

Ang talino talaga netong mang-utos merong alas na ipapangblackmail sakin kaya ayun wala na kong magagawa.

"Oh eto pera RAIN mag-ingat ka at malalaman mo pa kung nasaan ang first love mo." sabi niya habang tumatawa at umalis na.

Kainis naman tong matandang to e.

END OF FLASHBACK

No choice ako kaya sumunod na ko alam niya kasing matagal ko nang hinahanap si Lou simula nung umuwi kami galing US. Nawala kasi yung komunikasyon namin noon dahil napagbawalan na ko sa gadgets.

Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon