---------------------------------
Jaira's POV
Nagising ako ng may tumapik sa may balikat ko kaya napadilat ako at si manang yung tumambad sakin kaya napaayos naman ako agad."Iha alas kwatro na ng hapon bumangon ka na at di ka pa nanananghalian" ngiting sabi ni manang.
Alas kwatro na? Aba'y lintek na yan ganon na ba ko katulog mantika at di ako nagising.
"Bat di niyo po ako ginising?" tanong ko.
"Kanina pa kita ginigising pero ang sarap ng tulog mo kahit anong pagtapik ko sayo di ka nagigising sabi ng mommy mo hayaan ka na lang muna baka napagod ka buti na nga lang at nagising kana sa tapik ko." paliwanag ni manang habang nakangiti.
Tulog mantika nga talaga ako. Kelangan ko ng masanay na maaga gumising kapag nag umpisa na yung klase mahirap na baka malate ako.
"Sige po manang susunod na po ako mag-aayos lang po ako." ngiting kong sabi.
"Sige iha bababa na ko at ihahanda ko na yung marienda mo para may laman kahit papano yung tyan mo deretso ka na lang sa may pool area." sabi ni Manang habang nakangiti.
"Sige po Manang."
-Pool Area-
Pagkapunta sa may pool area binabad ko yung paa ko sa swimming pool na lagi kong ginagawa kapag wala akong magawa sa buhay."Iha eto na yung meryenda mo maiwan na kita at magluluto pa kami ng hapunan para mamaya. Pumunta ka na lang sa kusina kung may kailangan ka ah?" ngiting sabi ni Manang.
"Opo Manang salamat po." sagot ko na may ngiti.
Napatigil ako sa pagmumuni muni ng biglang tumunog yung cellphone ko
Kringgg! Kringgg! Kringgg!
Uhm sino kaya tong natawag? Unknown number lang e. Sagutin ko ba? Ahh oo? O sige hahahaha.
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.
"Louise?" sabi nung nasa kabilang linya.
Napakunoot yung noo ko dahil sa narinig ko walang tumatawag sakin na Louise kahit sino. Ayoko kasi na tinatawag akong Louise para kasing panglalaki yung pangalan.
Bigla kong naalala yung nag-iisang tumatawag sa second name ko, ayun yung kaibigan kong is Ian. Nagising na lang yung diwa ko nung nagsalita siya ulit.
"Hello Louise andyan ka pa ba?" tanong ulit ng kabilang linya.
"Kuya Ian?" sagot ko
"Yes?" natatawa niyang tanong.
"O MY GOD Kuya Ian!! bakit ngayon ka lang tumawag ah? Ang tagal tagal ko nag-iintay sa tawag mo kahit message wala ka daig mo pa kabute lilitaw ka kapag gusto mo sipain kita e. Isang taon ka na dyan wala ka parin balak umuwi ah? Kung wala wag kanang umuwi wag kanang tumawag kahit kelan sakin. Hoy kuya! Andyan ka p--"
"Hephephep saglit lang naman Louise dahan dahan sa pagtatanong ako lang to ah." tumigil siya at tumawa ng malakas.
Ian Carl Montefalcon ang name niya. Pano ko siya nakilala? Siya yung nagligtas sakin sa lahat ng masasamang nangyari sakin noon remember? kaya ayun naging close na kami at siya ang naging pangalawa kong bff kaya yung umalis siya noon umiyak ako ng umiyak tulad nung pag-alis ni Ray, si Ray yung original bff ko hayy asan na kaya yun? Ayy lintek balik tayo kay Ian na ko.
"Tska Louise alam kong miss mo ko pero wala talagang kamusta tska ang harsh sa wag umuwi ah sayo ba ang Pilipinas at bawal na ko dyan? Tska pwede bang hinay hinay lang sa pagsasalita ang sakit sa ears hindi ako makasingit sayo dahil tuloy tuloy ka magtanong. Excited much Louise?" Natawang sabi ni kuya Ian sa kabilang linya.
Napatawa na lang ako sa pinagsasabi ni kuya Ian minsan kasi parang bakla magsalita to paminsan minsan lang naman pero straight yan. Nakailang girlfriend na yan at ako sinusuporatahan ko siya sa kahit anong bagay. Kung tatanungin niyo kung talo kami? No way at aware kami dun na walang patusan parang kuya ko na to si Ian tska mas matanda to sakin ng isang taon.
"Oo ipapaban kita dito sa Pilipinas tska alam ko namang okay ka lang kahit di ka nagpaparamdam bwiset ka tska yung mga account mo sa social media lahat nakadeactivate at kahit number mo dan sa US di ko alam. Pano kita matatawagan nan ang daya mo no very bad kuya Ian." sabi ko sa kanya.
"Kanina ka pa kuya ng kuya dyan nagmumukha na kong matanda at hello isang taon lang naman tanda ko sayo. Yung mga account ko naman sa social media talagang sinadya ko yun para mamiss mo ko." sabi niya sabay tawa.
Lagi siyang ganyan napalag sakin kapag napapadala na yung pagkukuya sa kanya pero minsan Ian lang tawag ko dyan ayun tuwang tuwa oa ang loko.
"Sorry naman po kuya ayy este Ian pala tska di kita miss no che." ngiting kong sabi.
"Di daw pero kung makapagsalita kanina mas mabilis pa sa alaskwatro Louise Louise Louise." masaya niyang sabi.
"Nako naman Ian Ian Ia--"di na ko nakapagsalita at biglang may nagsalita sa likod ko.
"Baby Jai sino yang kausap mo sa phone?" ngiting niyang tanong.
"Mommy naman para kang kabute litaw ka ng litaw kung saan saan." gulat kong sabi at hawak ko yung dibdib ko.
Magugulatin pa man din ako kaya wag niyo ng tangkain na gulatin ako ang sakit sa heart no.
"Sorry naman baby pero btw sino nga yan?" nakangiting tanong ni mommy.
"Si kuya Ian po mommy ngayon lang po kasi tumawag nagpapamiss di naman kamiss miss." biro ko.
"Hoy Louise magtigil ka dan naririnig kita tska iloudspeak mo kakamustahin ko si tita." utos sakin ni kuya Ian. Agad ko naman iniloudspeak at inilahad ko yung cellphone ko para magsalita na siya.
"Okay na"
"Hi titaaaaaa! Long time no talk tita." masiglang sabi ni Ian kay mommy.
"Hi din Ian bakit hindi ka nagpaparamdam samin? Buti pa ang multo nagpaparamdam ikaw hindi." natatawang sabi ni mommy.
Nakilala ni mommy si kuya Ian nung dinala ko si Ian sa bahay akala nga ni mommy manliligaw ko pero sinabi ko kaibigan ko.
"Kelan ka ba uuwi para makapagdinner tayo?" tanong ni mommy.
"Kayo po talaga tita tska hindi ko po pa alam kung kelan po ako makakauwi masyado pa pong madaming ginagawa dito sa US." sabi ni kuya Ian sa kabilang linya.
Pinasunod siya ng daddy niya sa US dahil may aasikasuhin niya yung business nila don buti na lang nakakaya pa niyang mag-aral kahit nagtratrabaho siya.
"Baka pinapagod ka na ng daddy mo dyan sige ka papagalitan ko yang daddy mo kapag pinapagod ka masyado sabihin mo lang sakin tska wag mong papabayaan yung pag-aaral mo." ngiting sabi ni mommy.
"Di naman po ako pinapagod ni daddy tska po di ko na po napapabayaan yung pag-aaral ko tita nakakaya ko po." natatawang sagot ni Ian.
"Ganuna ba? Sige na Ian mukang mahaba haba na ang pag-uusap niyo ni Jaira ibaba mo nato at mahal ang tawag dito may video call pa naman doon na lang kayo mag-usap ulit. Mag-iingat ka dan Ian ah?" pangangaral ni mommy sa kanya.
"Ayy oo po pala nakalimutan ko po sige po tita at Louise tatawag na lang po ako ulit ako. Ingat din po kayo dyan bye po." pagpapaalam niya.
"Bye kuya kuya kuya Iannnnnnnn" habol kong sabi.
Di ko na rin hinintay yung sagot niya binabaan ko kasi agad ng tawag alam ko kasi hihirit pa yun.
"Baby iniinis mo na naman si Ian pumasok na tayo sa loob medyo dumidilim na." ngiting sabi ni mommy.
"Sige po susunod po ako aayusin ko lang po yung pinagkainan ko." sagot ko kay mommy.
"Bilisan mo dan mauuna na ko pumasok sumunod ka na." sabi ni mommy ulit.
Tumango na lang ako sa sinabi ni mommy at inumpisahan ko ng linisin yung pinagkainan ko at sumunod na ko papasok ng bahay.
---------------------------------
Don't forget to Vote, Comment and Follow!! Thankyouuuu!!!!!
BINABASA MO ANG
Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)
RomanceIsa siyang anak ng milyonaryo ngunit lagi itong binubully dahil sa kanyang ayos. Manang, buhaghag ang buhok, malaki ang salamin at may braces. Alamin natin ang kwento ni Jaira Louise Alcantara.