18

91 5 0
                                    

---------------------------------

Raizah's POV
Good morninggggg! Bagong araw na naman and excited na ko pumasok dahil kay Jai I don't know but I really really like Jai oppss mali ang iniisip niyo I like her not in romantic way I like her because she have pure heart ganern sa gandang ko na to tomboy ako freaking no way.

Pagbukas ko pa lang ng pinto naamoy ko agad yung niluluto sa ibaba. Sino kaya yung nagluluto? Syempre hindi yan si Queenie asa naman siya yun siguro si Ginnie to.

Gigisingin ko na yung mga prinsessa baka malate pa kami unahin ko na si Max alam niyo naman na napaka kupad kumilos nun

Tok! Tok! Tok!

"Maxine?" tawag ko

Aba! Hindi sumasagot ang impakta pasukin ko nga buti na lang at hindi nakalock aba ang sarap ng tulog ng babaeng to ang himbing. Anong oras na naman kaya to natulog at yung cellphone niya katabi pa.

"HOYYYY MARIA MAXINE CRUZ BAKA GUSTO MONG BUMANGON DYAN AT MALALATE TAYO!!" sigaw ko.

"Ano ba ang aga aga Rai sumisigaw ka dyan." sabi ni Max na parang inaantok pa.

"Maligo ka na bili." sabi ko.

"Oo lumayas ka na dito sa kwarto ko pwede ba?" sabi niya.

"Kapag hindi ka pa tumayo dyan iiwan ka namin." sabi ko at lumabas na ko sa kwarto niya.

Susunod ko na si JK isa ding tulog mantika e kung di gigisingin di tatayo.

"JK?" tawag ko.

Pero walang sumagot pinihit ko yung doorknob pagkabukas ko ay walang JK akong nakita.

"Asan naman yun?" takang tanong ko.

"What are you doing here?"

"Anak ng impakto! Ano ba naman Jasmine nakakagulat ka parang ka namang multo e." medyo sigaw ko sa kanya.

"Don't shout, again what are you doing here?" kaswal niyang sabi.

"Gigisingin sana kita." sabi ko.

"Hmm I see. Puntahan mo na sila nagluto na ko sa ibaba maliligo lang ako." sabi niya at pumasok na sa kwarto niya.

Himala aga niyang gumising akala ko pa man din si Ginnie yung nagluluto. Swertehan na lang kung magluluto yan ng umagahan may katamaran ding taglay yan at mahirap pabangunin.

Pinuntahan ko na lang sila Ginnie at Queenie naabutan ko naman sila na nag-aayos na ng sarili nila at nakauniform na.

Oh I forgot to introduce myself btw I'm Raizah Marie Dela Cruz 18 hindi lang talaga halata sa height promise hahahahaha hindi ko na masyadong hahabaan pagpapakilala ko basta tandaan niyo na mas cute ako sa kanila.

Pagkatapos naming kumain pumunta na kami ng school at si Ginnie ang nagdrive ngayon tinatamad kasi ako ngayon e hahahahaha.

Pagkababa naman namin sa van na nagsigawan na naman yung mga estudyante malapit samin nakakarindi na.

"Sakit sa tenga." sabi ni Ginnie.

"Ingay." sabi naman ni Queenie.

Hindi na sila nasanay wala e magaganda kami hahahaha joke lang. Tawagan ko na nga lang si Jai.

"Hello Jai?"

"Yes?"

"Where are you?" tanong ko.

"Papasok na." sabi niya.

"Intayin ka namin." sabi ko.

"Huwag na baka malate pa kayo susunod ako promise."

Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon