---------------------------------
Jaira's POV
"Baby Jai ngayon darating na pasukan sa school ka na natin papasok okay?"Bigla akong napaubo sa sinabi ni daddy. OhGod please sana di tama pagkakarinig ko.
*cough cough*
Inabutan kaagad ako ni mommy ng tubig para malunok ko na yung kinakain ko.
"Dahan dahan lang naman sa pagkain baby Jai ang dami pang pagkain dyan oh." sabi ni mommy habang hinihimas yung likod ko.
Magsasalita ba sana ako nang bigla na kong inunahan ni daddy.
"No more buts baby Jai pinagbigyan ka na namin ng mommy mo na sa iba ka mag-aral noon sana naman sa 4th year sa paaralan ka na natin mag-aral at doon ka na makapagtapos. Minsan lang kami manghihingi ng pabor sayo anak." mahabang sabi ni daddy
Di ko pala nabanggit na may sarili kaming paaralan at yun ang J.L University Jaira Louise ibig sabihin ng J.L unika hija kasi ako kaya sakin pinangalan. Una ang pamilya namin sa pinakamayaman sa Pilipinas.
At yeah tama si daddy simula nangyari sa friend issue ko hindi na ko pumapasok sa school namin ni kahit pagtapak sa school na yun di ko na nagagawa. I have a reason why I don't want to study in our school.
"Bilis na baby Jai para makita mo naman yung isa sa ipapamana namin sayo ng daddy mo. Hindi ka na pumupunta sa school natin." dagdag ni Mommy at ngumuso.
Tumango na lang ako kahit labag sa kalooban ang pagpayag ko wala naman na kong magagawa kundi pumayag kasi minsan lang talaga humingi ng pabor yung magulang ko.
Napangiti naman ako sa balak ko gawin para maging ayos yung pag-aaral ko sa school na yun.
"Baby Jai bakit ka nangingiti dyan nababaliw ka na ba?" saad ni daddy na tila ba nagtataka sa biglang pag ngiti ko.
Grabe naman si daddy baliw agad? Pwedeng masaya lang? napanguso na lang ako sa sinabi niya.
"Sakit naman daddy baliw agad pwede bang may naiisip lang?" nakangusong tanong ko.
"Ano ba kasi yang iniisip mo baby Jai?" singit ni mommy.
"May isa lang po akong kondisyon bago pumasok sa school na pagmamay-ari natin." ngiti kong sabi.
"Ano yun?" sabay nilang sabi.
Eto na Jai sabihin mo na I want a peace life hahahaha. Hinga malalim at buga OOOHHH!!!
"Gusto ko pong di malaman ng mga estudyante at yung mga guro na di niyo po ako anak." ngiti kong sabi sakanila.
For sure kasi orientation pa lang ipapakilala na ko nila mommy at daddy sa school at ayun ang ayoko.
"Bakit?" sabay na tanong ng magulang ko.
"Kasi po ayoko lang po maging magulo yung buhay ko sa loob ng school habang nag-aaral ako alam niyo naman po na kilalang kilala kayo sa school dahil kayo po ang may-ari at di lang po sa school pati sa na rin buong mundo hindi po diba? Alam niyo rin din pong yung nakaraan ko sa friend issue." paliwanag ko sa kanila at sabay yuko ko dahil naalala ko na naman yung mga nakipagkaibigan sakin noon.
"Okay na po ako sa kaibigan kong si Ian atleast yun kilalang kilala ko at ninyo." huminto muna ako ng saglit sa pagsasalita at tumunghay para bigyan ko sila nang ngiting tipid.
Ian is my close friend parang kuya ko na siya nilapitan niya ko nung nakita niya ko umiiyak noon gawa ng mga impakta na yun. Simula noon lagi na siyang nakadikit sakin para maprotektahan niya ko.
BINABASA MO ANG
Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)
RomanceIsa siyang anak ng milyonaryo ngunit lagi itong binubully dahil sa kanyang ayos. Manang, buhaghag ang buhok, malaki ang salamin at may braces. Alamin natin ang kwento ni Jaira Louise Alcantara.