---------------------------------
Jaira's POV
Nasa room na ko kasama yung limang babae na tumulong sakin kanina. Ang gaganda nila tas mababait pa hindi na nila ko iniwan mag-isa simula nung pumasok na kami dito sa classroom lagi nga ako dinadaldal nung humigit sakin kanina e.Kanina ko pa sila kasama pero hindi ko pa alam yung mga pangalan nila nakakahiya naman kung itanong ko ngayon e may sari sarili silang ginagawa ngayon.
Naagaw naman yung atensyon namin lahat nung bukas yung pinto at pumasok sila Monique kasama pa yung dalawa niyang alipores. Nung magtama naman yung paningin naming dalawa binigyan niya ko ng death glare. Mukhang hindi magaganda ang buhay ko dito sa school na to.
And what the bakit pilot yung isa niyang kasama? Seriously?
"Girls kain na muna tayo mamaya pa naman ang orientation." yaya nung katabi ko sa kanan.
Sumang-ayon naman sila at gutom rin daw sila kaya nagsitayo na silang lima kaya pinabayaan ko na sila.
Tumingin silang lima sakin na ikana taka ko.
"Uhm b-bakit?" nahihiya kong tanong.
"Anong bakit? Tara na." sabi nung babae na nag-ayang kumain.
"A-ah sige." nahihiya kong sabi kaya tumayo na ko.
Nung makalabas kami ng room nagsitinginan na naman samin o sabihin na nating sakin yung mga estudyante na nakakasalubong namin.
"Bakit niya kasama ang 5 princesses?"
"Ewan ko nga dapat tayo ang kasama ng 5 princesses kaysa naman dyan sa nerd na yan."
"Bagong recruit ng princesses siya yung katulong hahahahaha."
Napayuko na lang ako. Ano ba yan Jai di ka na nasanay.
"Don't mind them Jaira inggit lang yang mga yan." sabi nung singkit na babae.
Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na lang maglakad.
"Guys anong order niyo? Treat ko ako naman yung nag-aya." sabi niya.
"Wow first time Raizah ah isang himala." sabi nung nakaputing dress.
"Baka hindi kita ilibre Ginnie?" pagbabanta nung Raizah.
"Joke lang naman." sagot naman nung Ginnie.
"So ano nga bilis." sabi nung Raizah ulit.
"Lasagna at coke."
"Chocolate cake and water."
"Spaghetti and royal."
"Swarma rice and delight."
"Ikaw Jaira anong gusto mo?" tanong sakin ni Raizah.
"Uhm water lang ako." sabi ko.
Nakakahiya naman kung magsasabi din ako ng mga sinabi nila di naman makapal mukha ko no.
"Water? Mabubusog ka ba nun?" tanong sakin ni Raizah.
"Ah eh ih oh---."
"Uh hahahaha Jaira wag kang mahiya samin ano ba." sabi nung singkit na babae.
"Umalis ka na Raizah at ikaw na bahala pumili sa kakainin ni Jaira." sabi nung babae habang hawak yung cellphone niya.
"Kung sinasamahan mo kaya ako ano Maria sa liit kong to sa tingin mo kaya kong buhatin yung mga order niyo?" bulyaw ni Raizah.
"Okay chill ka lang Rai tska Maria? Utang na loob gasul Max na lang sasabihin mo oh tara na nga at yang bungaga mo walang tigil na naman kakasalita." sabi nung Max at hinila na si Raizah.
BINABASA MO ANG
Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)
RomanceIsa siyang anak ng milyonaryo ngunit lagi itong binubully dahil sa kanyang ayos. Manang, buhaghag ang buhok, malaki ang salamin at may braces. Alamin natin ang kwento ni Jaira Louise Alcantara.