---------------------------------
Cris POV
Di mawala wala sa utak ko yung sinabi sakin ni ate kagabi hindi nga ko nakatulog ng ayos ng dahil sa sinabi niyang yun buti na nga lang at maaga ako nagising. Kagabi ko pa talaga iniisip kung sino yun."Cris wag kang maguluhan sa mga sinabi ko tska nagkita na nga kayo at nagkausap pa nga ang swerte mo na. Kaya nga lang hindi mo siya nakilala dahil sabi ko nga sayo na di mo siya makikilala agad kung di siya magpapakilala pero trust me bro magugulat ka na lang kung sino siya and be good to her Cris."
"Cris wag kang maguluhan sa mga sinabi ko tska nagkita na nga kayo at nagkausap pa nga ang swerte mo na. Kaya nga lang hindi mo siya nakilala dahil sabi ko nga sayo na di mo siya makikilala agad kung di siya magpapakilala pero trust me bro magugulat ka na lang kung sino siya and be good to her Cris."
"Cris wag kang maguluhan sa mga sinabi ko tska nagkita na nga kayo at nagkausap pa nga ang swerte mo na. Kaya nga lang hindi mo siya nakilala dahil sabi ko nga sayo na di mo siya makikilala agad kung di siya magpapakilala pero trust me bro magugulat ka na lang kung sino siya and be good to her Cris."
Ayan na naman yung eco na yan sa utak ko kasi naman si ate bat ayaw na lang sabihin yan tuloy gulong gulo na utak ko.
"Sa dami na nakitang baba e sino sa kanila?" napabuntong hininga na lang ako sa mga na-iisip ko
Inayos ko na yung sarili ko para makapasok na school hahanapin ko siya kahit anong mangyare Lou magkikita pa rin tayo.
Jaira's POV
Nagising ako ng naramdaman ako na may humimas sa may ulo ko kaya minulat ko yung isang mata at pumikit ulit."Baby Jai wake up na." sabi ni mommy habang hinihimas yung ulo ko
Aga naman mangbulabog ni mommy antok pa ko gusto ko pang matulog. Anong oras na kasi ako natulog kagabi at binangungot kasi ako doon sa manyakis na yun.
"5 minutes mommy." inaantok ko sabi sa kanya.
"No baby Jai it's already 6:15 and your class start in 7:30 so you better get up now." sermon sakin ni mommy.
No choice at di aalis sa kama ko to hangga't di ako natayo rito baka pa nga buhusan pa ko ng malamig na tubig pero nooo di niya gagawin yun sa baby niya.
"Okay po tatayo na po." sabi ko habang kinukusot yung mata ko.
"Maligo ka na at bababa na ko para maayos ko na yung breakfast mo kaya bilian mo para hindi ka malate." sabi ni mommy at umalis na siya.
Sinunod ko na lang yung mga sinabi ni Mommy baka bumalik pa dito yun at pagalitan na ko kapag hindi pa ko kumilos.
Naligo at nagsuot na ko ng long-sleeved na tinernohan ko ng palda na hanggang ilalim ng tuhod. Sinuot ko na din ang doll shoes ko para komportable ako sa paglalakad. Meron naman akong mga dress na binili ni mommy kaso nakatago yun dahil alam kong di bagay sakin yung mga yun.
Wala pa akong uniform dahil mamaya ko pa siya makukuha tska kapag first day sa school talagang sibilyan ang sinusuot sabi ni mommy.
Pababa nako ng naamoy ko na agad yung almusal na nakahain at ang favorite kong tocino at fried rice na niluto ni mommy kaya gaganahan akong kumain ngayon.
"Andyan ka na pala baby Jai halika na dito at kumain na." ngiting sabi ni mommy habang nilalagay na friend rice sa lamesa.
Binigyan ko lang si mommy ng matamis ngiti at nilantakan na yung tocino sa harap ko. Naging busy ako sa pag nguya ng magtanong si mommy sakin.
BINABASA MO ANG
Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)
RomanceIsa siyang anak ng milyonaryo ngunit lagi itong binubully dahil sa kanyang ayos. Manang, buhaghag ang buhok, malaki ang salamin at may braces. Alamin natin ang kwento ni Jaira Louise Alcantara.