---------------------------------
Jaira's POV
Dumeretso na ko sa tambayan nila JK nadatnan ko na nag-aayos na sila ng kakain namin ayos gutom na ko."Uyy andyan ka na pala di ka naman kumibo dyan." sabi ni Queenie.
"Hehe sorry naman." sabi ko.
"Oh kain kana muna bago ka magkwento." sabi ni Max.
Kumuha na ko ng pagkain gutom na kasi ako hindi ako ng breakfast no.
"Bakit hindi ka nakabloused? Buti pinapasok ka ng guard." sabi ni Raizah habang nakuha ng pagkain.
Anak ng fish ano kayang maipalusot dito? Hala hala isip isip Jai.
"Hmm natapunan kasi ng juice." sabi ko sa kanya. Bakit totoo naman ah kaso nga lang di accidentally.
Ayoko na lang ikwento sa kanila alam kong magagalit tong mga to gagawa na lang ako ng ikwekwento ko sa kanila para di na sila mag-alala.
"Ah." sabi ni Raizah.
Habang kumakain na ko nakaramdam naman ako na may nakatingin sakin kaya tumingin ako sa mga kasama ko kung sino yun at nakita ko na nakatingin sakin si JK kaya umiwas agad ako ng tinigin baka kasi mapansin yung pisngi mayare pa.
"What happen to your cheek?" seryosong sabi ni JK.
Ayan na nga sinasabi ko e. Ang galing talaga mangobserba ni JK magaling makahalata kaya yung iba napatingin na sakin.
"Oo nga Jai namumula oh." turo ni Max sa pisngi ko.
"Medyo paga pa sinampal ka ba ah?" tanong ni Raizah.
"U-uhmm." kinakabahan kong sabi.
Di ko alam kung sasabihin ko o hindi e magagalit kasi sila baka sigudin pa sila Monique edi naOSAS pa sila.
"Sabihin mo na Jai wag kang matakot." sabi ni Queenie. No choice na ko alam kong kukulitin ako netong mga to.
"S-sinampal kasi ako ni ni Monique." kinakabahan kong sabi.
"WHAT!?" sabay sabay nilang sabi maliban lang kay JK na nakatitig lang sakin.
"That bitch! Sumusobra na siya pagrereyna reynahan niya dito ah." galit na sabi ni Raizah.
"Makakatikim talaga sakin yun maghintay lang siya pagkatapos kong kumain tuturuan ko yun ng leksyon." galit na sabi ni Ginnie.
"Ano ba kasi nangyare?" medyong inis na tanong ni Queenie.
Kwinento ko lahat kung ano yung nangyare pati na din yung pagligtas sakin ni Christian maliban lang don sa kasunduan naming dalawa tungkol sa slave thing na yun at lalo pa sila magagalit kapag nalaman pa nila yun.
"May mabuting side din pala si Cris e." sabi ni Max habang naghihimay ng manok.
"Cris?" takang tanong ko. Sa pagkakaalam ko ayaw nung manyakis na yun tinatawag siyang ganun.
"Cris na daw itatawag namin sabi ni Queenie e hahahahhaa." sabi ni Max. Oh okay.
"Sa katunayan sa kanya tong T-shirt na to." pag-aamin ko pa.
"Wow! First time niya magpahiram ng T-shirt." sabi ni Queenie.
"Kaya pala siya lumabas kanina para hanapin ka kasi tinanong ka niya sakin kung nasaan ka kanina. Yieee Jaira ah magkaaway ba talaga kayo?" tuksong sabi ni Raizah.
Yak nakakadiri naman iniisip neto ni Raizah tungkol samin di ko maimagine nakakasuka.
"Ano ba yan Raizah kaya niya lang naman ako tinulungan para gawin akong slave." sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)
RomantizmIsa siyang anak ng milyonaryo ngunit lagi itong binubully dahil sa kanyang ayos. Manang, buhaghag ang buhok, malaki ang salamin at may braces. Alamin natin ang kwento ni Jaira Louise Alcantara.