---------------------------------
Alex POV
Tumakbo agad si Cris papunta kay Jai at sakto naman nasalo niya agad woooh muntik na yun ah. Dinala na ni Cris si Jai sa clinic kasama si tita Kyla pero hindi na kami pinasunod ni tita at may sasabihin daw si tito Roberto."Anak?" naguguluhang na tanong ni Max.
"Ang gulo ah." sabi ni Migs.
Oo nga sobrang gulo nakakalito pa kelangan namin ng explanation para di sumabog yung ulo namin kakaisip kung anong ibig sabihin yun.
"The hell! Sino yung gumawa non humanda talaga talaga siya sakin." galit na sabi ni Ginnie.
Nakakatakot pa lang talaga galitin si Ginnie kaya naman pala nagtitino na si Lance hahahaha kawawang Lance kapag nagloko ka masasabi ko na lang sayo be a good dog hahahahaha.
"For sure sila Monique yun." sabi ko.
Sino pa ba may malaking galit kay Jai? Sila lang naman lagi gumagawa ng gulo dito at ang init lagi ng mga mata nila kay Jai.
"Pero saglit lang tama ba narinig natin?" tanong ni Lance.
"Yes." sabi ni JK.
Yeah makiki JK na kami tutal mga friendship ko naman sila e hahahaha.
Napatingin naman kaming lahat kay JK dahil don sa sinabi niya don't tell me alam niya? Pero bat yung iba niyang kaibigan di alam?
"Pano mo nalaman? Kelan?" tanong ni Queenie.
"Long story." sabi niya.
"Summary please." pagpapacute ni Raizah.
"Later."
"Pa-mysterious." sabi ni Gab
"What did you say Ace?" sabi ni JK.
"Nothing Kate." sabi ni Gab.
"You're getting on my nerves Ace kahapon ka pa." gigil na gigil na sabi ni JK pero nginisian lang siya ni Gab.
Mukhang may world war mangyayari kapag naging sila para kasing mga aso't pusa laging nag-aaway di man lang magkasaundo kahit isang oras.
"Hoyy kayong ngang dalawa ikakasal na kayo lahat lahat ganyan pa kayo? Pwede ba magkasundo kayo baka mamaya kapag tumira na kayo sa iisang bahay sumabog yung bahay niyo kawawa naman yung bahay walang kamuwang muwang." sabi ni Queenie.
Ikakasal? The heck hindi namin alam yun ah Gabriel Ace Gonzalez what the meaning of this!!!?? Tumingin naman kaming mga lalaki kay Gab at ang loko nakapoker face lang ang potcha.
"What?" tanong niya.
"Anong kasal yun ah? Bakit hindi ka nagsasabi? At ikaw Queenie may nalalaman ka palang ganyan bakit hindi mo sinasabi sakin?" sabi ni Migs.
"Bakit ako?" inosenteng sabi ni Queenie.
"Ewan ko sayo." sabay irap.
Iww baklang bakla talaga to.
"Pero buddy bakit hindi mo sinabi?" sabi ni Josh.
"They you ask?" sabi ni Gab.
Anak ng porchop talaga to oh kahit kelan talaga ang labong kausap.
"Students." sabi ni Tito Roberto.
Naputol yung pag-uusap namin ng magsalita na si tito Roberto sa may harap. Kung kanina ay maingay sa loob ng gym ngayon naman naging tahimik dahil sa pagsalita ni tito Roberto ngayon.
"I'm really so dissapointed to all of you I thought that all students here was kind and disciplined! But I was wrong." seryosong sabi ni tito.
Walang umimik kahit isa saamin pano ba naman kung andito lang kayo panigurado ramdam niyo yung takot dahil sa awra ni tito Roberto.
![](https://img.wattpad.com/cover/174832555-288-k967596.jpg)
BINABASA MO ANG
Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)
RomanceIsa siyang anak ng milyonaryo ngunit lagi itong binubully dahil sa kanyang ayos. Manang, buhaghag ang buhok, malaki ang salamin at may braces. Alamin natin ang kwento ni Jaira Louise Alcantara.