---------------------------------
Jaira's POV
Bakit ang ingay? Asan ba ko? Tas ang sakit sakit pa nang katawan ko saglit nga lang ano ba nangyare?Oh god yung pageant kanina tas ayun nabuhusan ako wait wait sumigaw si daddy patay!! Minulat ko na yung mata ko para makita ko kung sino yung maiingay sa paligid ko.
"OMG si Jai gising naaa!" tili ni Raizah.
Kahit kelan talaga ang lakas sumigaw ni Raizah kaya minsan mas okay kung di siya sumigaw ang sakit sa ear drums hahahaha.
Nagsilapitan naman agad lahat sila sakin pero in fairness ah kumpleto silang lahat kahit si Cris andito. Nung uupo na sana ko inalalayan naman nila ako para umupo kaya natawa ako sa ginawa nila para kasi silang mga baliw di naman ako naaksidente ng malala.
"Grabe naman kayo hindi naman ako napilayan oh ano" pagbibiro ko.
Tumawa naman yung iba pero yung apat na babae ayun parang nagtatampo sakin? Hala bakit anong ginawa ko?
"Ikaw Jai ah nakakapagtampo ka kay JK mo lang sinabi na ikaw yung anak nila tita Kyla." nakanguso sabi ni Ginnie
Patay!!
"Oo nga Jai ang tagal ka na namin gustong makilala tas si JK lang pala yung unang nakilala sayo saming lima mali yun ah." sabi naman ni Queenie.
"Ikaw ah ang dami mong secrets meron pa na di namin alam?." sabi ni Raizah.
"Bad Jaira bad." sabi naman ni Max.
Pano nila nalaman? Anak ka ng fish sinigaw nga pala ni daddy kanina yung anak bago ako mawalan ng malay panigurado ding sinabi niya na yun sa lahat.
"I'm sorry sasabihin ko naman talaga sainyo kaso di ko alam ako kung kelan titiming sainyo para masabi ko." nakayukong kong sabi.
"Huwag niyo nga masyadong inaaway si Jai lalo kana Ginnie kakagising lang nung tao aawayin mo na agad." sabi ni Lance.
"Bakit ako lang ba? Sipain kaya kita dan." pagtataray niya kay Lance.
"Huwag na nga kayong mag-inarte dan." sabi ni JK habang nagcecellphone at katabi ngayon si Gab.
Himala sa himala hindi ngayon nag-aaway hahahaha.
Nagbigla ako nung sinunggaban nila Max ako ng yakap di ko naman aakalain kasi na sabay sabay silang yayakap sakin.
"Kainis ka alam mo ba yun?" naiiyak na sabi ni Raizah.
Hala di ko siya pinapaiyak ah wala akong ginagawa sa kanya baka magalit si Alex yare ako.
"Uyy Raizah wag ka nga umiyak malalagot ako kay Alex nan e." pagbibiro ko.
"P-pabayae m-mo yang p-panget na y-yan." nauutal niyang sabi.
Tumawa naman ako don sa sinabi niya kahit naiyak siya e nagawa niya paring magbiro iba din yung babaeng to. Tatagal pa ba sila? Di na ko makahinga ng ayos kahit gusto ko man nakayakap sila sakin pero di ko na keri hahahaha.
"H-hindi na ko m-makahinga ng ayos." nahihirapan kong sabi.
Kumalas naman agad sila pagkakayakap sakin at nagtawanan pa ang mga loka.
"Ayy speaking of Raizah mga sis sila na ni Alex nakita ko kasi yung status ni Alex sa facebook." pagbabalita ni Max.
Talaga? Wow di ko pa nga masyado natutulungan si Alex sila na agad pero I'm happy for them.
"Wohoo ang bilis mo buddy sana all hahahaha." sabi ni Lance.
"Nakanang Alex graduate na sa pagkatorpe." tawa ni Migs.
![](https://img.wattpad.com/cover/174832555-288-k967596.jpg)
BINABASA MO ANG
Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)
RomanceIsa siyang anak ng milyonaryo ngunit lagi itong binubully dahil sa kanyang ayos. Manang, buhaghag ang buhok, malaki ang salamin at may braces. Alamin natin ang kwento ni Jaira Louise Alcantara.