---------------------------------
Cris POV
"Ang aga pa ah mamaya ka na mang-utos sige bye." sabi niya at binabaan ako ng tawag."Aba binabaan ako? Humanda talaga sakin to." bulong ko.
To: My Ugly Nerd Slave
Hoy intayin mo ko sa parking lot mamaya kapag hindi mo ko hinintay humanda ka sakin.~Send
Tumayo na ko at naligo na para maghanda na ko sa pagpasok sa school.
-J.L. University-
Pagkababa ko sa kotse nakita naman siya sa may gilid na nakatayo kaya naman lumapit na ko para ibigay yung bag ko."Hoy panget! Dalhin mo to." utos ko sa kanya at ibinato ko yung bag ko sa kanya
"Tsk. Kanina pa ko dito tas ngayon ka lang dumating! Napaka angas mo din no." sigaw niya sakin.
Aba nagrereklamo siya sa master niya? Ibang slave to ah ang tapang.
"Aba sinisigawan mo ko?" sigaw ko din.
"Obvious ba?" sigaw din niya sakin.
"Aba't---"
"Ang aga-aga nagsisigawan kayo." sabi ni Josh.
Napatingin naman kami sa kanya oh the great Josh is here.
"Tsk." sabi ko at umalis na.
Nang napansin ko na walang sumusunod sakin tumigil muna ako ng saglit para tingnan si Jaira.
"Hoy! Ano tinatanga tanga mo dan?" inis kong sigaw.
Anong iniintay niya pasko?
"Eto na po MASTER!" sigaw niya sakin.
Buti alam niya na master niya ko.
Jaira's POV
"Eto na po MASTER!" sigaw ko sa kanya.Aga aga ko dito at di ako nakapagalmusal para makapunta ako dito tas bwiset na yan ipapadala niya lang pala yung bag niya tas itatapon niya pa buti na lang at nasambot ko kundi sapol sa muka ko yung bag niya.
Naglakad na din ako baka malate ako magkaroon pa ko ng record. Sumbay naman din sakin si Joshua sa paglalakad.
"Gusto mong tulungan na kita?" tanong sakin ni Joshua.
"Wag na kaya ko naman saka mamaya makita pa ko ng master ko na hindi buhat yung bag niya mag-alburoto pa yun pero salamat Joshua." sabi ko sa kanya.
"Josh na lang tska pagpasensyahan mo na yun si Cris ah sana makayanan mo ugali non pero trust me mabait din yan si Cris." sabi niya sabay ngiti.
Mabait? Manyakis kamo pero niligtas niya naman ako kagahapon so 5% lang yun tska ang gwapo pala neto kapag sa malapitan hahahaha.
"Jai na lang din tska di naman uubra sakin yung ugali niya no." natatawa kong sabi.
"Astig mo rin no? Kasi ikaw lang nakagawang sipain si Cris." natutuwa niyang sabi.
Talaga ba? I great to be honored. *clap clap clap*
"Pano ba naman kasi yan si manyakis I mean yang si Christian nakakainis kitid ng utak." medyong inis ko na sabi.
"Manyakis ah hahahahaha tska chill ka lang hindi ako si Cris." natatawa niyang sabi. Napailing na lang ako sa sinabi niya.
"Tska Cris na lang tawag mo don." dagdag niya.
"Diba ayaw niyang tinatawag na Cris kapag hindi niya close? Tska hindi naman kami close para tawagin ko siyang ganon." takang tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)
RomansaIsa siyang anak ng milyonaryo ngunit lagi itong binubully dahil sa kanyang ayos. Manang, buhaghag ang buhok, malaki ang salamin at may braces. Alamin natin ang kwento ni Jaira Louise Alcantara.