31

89 4 0
                                    

---------------------------------

Jaira's POV

"Jaira?"

Paglingon ko nakita ko sina Monique. Tama yung nababasa niyo si Monique yung yung tumawag sakin.

Nagsipuntahan naman agad sila Ginnie at Raizah sa unahan ko at hinarangan sila Monique para kasing pinoprotektahan ako sa tatlo na nasa harap ko.

"Hanggang dyan ka lang baka may gawin pa kayong masama kay Jai."

"Di na kami papayag ng ganyan Monique sinasabi ko sayo."

Kahit kelan talaga tong dalawang to napakaprotective ang cucuteeee.

I know there's something they need to tell me so papaunahin ko na sila baka di sila makapagsalita kapag andito to mga to.

"Mauna na kayo guys susunod ako." nakangiti kong sabi.

"Pero Jai baka may gawin na naman sayo yung mga yan!." inis na sabi ni Ginnie at tiningnan pa ng masama sila Monique.

"Kayo talaga! Ganito sasamahan ako ni Cris para di na kayo mag-alala okay kaya sige na una na kayo." sabi ko.

Ganyan na lang para mapanatag tong mga to alam kong di sila papayag kapag ako lang makikipag-usap sa mga to.

"Ako na ang bahala kay Lou." sabi naman ni Cris.

"Bantayan mo yan Cris sinasabi namin sayo kapag may nangyare dan ilalayo namin si Jai sayo." utos ni Queenie kay Cris.

Tumango naman si Cris at umalis na sila Josh. Hinarap na namin sila Monique.

"Bakit?" kaswal kong sabi.

"Gusto lang namin humingi ng tawad at magpasalamat na rin." sabi ni Ashley.

"Humihingi ako ng tawad dahil sa pagkulong ko kay Queenie sa storage room pati na rin sa pananakit ko sayo." nakayukong sabi ni Monica.

"Ako rin humihingi ako ng tawad sa pananakit sayo." naiiyak na sabi ni Ashley.

Lumuhod naman sa harap ko si Monique na ikinagulat ko kaya naman itinayo ko agad si Monique pero hindi siya nagpatinag.

"H-hayaan mo kong gawin to J-jaira para m-makabawas sa s-sama ng loob mo." iyak na sabi ni Monique.

"Hindi mo kailangan lumuhod M-monique." naiiyak kong sabi.

Ayoko sa lahat may umiiyak sa harap ko kasi naiiyak na din ako ang babaw lang kasi ng luha ko.

"P-pero gagawin ko parin ako a-ako dapat ang humingi ng s-sorry sayo ang dami ko s-sayong n-nagawang masama s-sorry dahil ang sama ko sayo. S-sana mapatawad mo pa k-ko gusto ko l-lang naman makuha y-yung atensyon ni C-christian e pero wala s-sayo parin siya a-at salamat na d-din dahil hindi mo kami h-hinayaan na ma e-expulsion sa school niyo k-kahit hindi p-pa kami nagsosorry sayo s-sinabi mo sa magulang m-mo na nagsorry na kami. S-sorry talaga Jaira p-patawarin mo k-lami." sabi ni Monique habang umiiyak ng nakaluhod.

Tinayo ko siya agad at niyakap ko si Monique kahit naging masama siya sakin magagawan ko parin siyang patawarin sino ba ko na hindi magpatawad diba?

"Wala na yun Monique sabi ko sa inyo okay na sakin kapag nagsorry kayo at ayun nagsorry na kayo tska Monica wag ka lang humingi ng tawad sakin kay Queenie ka din mag sorry okay? Wag na kayong umiyak pati ako napaiyak niyo na e." natatawa kong sabi.

"Oo pangako." sabi ni Monica habang nakataas pa ang kanang kamay.

Agad naman sila tumawa.

"Pero Monique huwag mo nang uulitin yun hindi na kita mapapatawad kapag inulit mo yun ulit yun." nakangiting sabi ni Crist.

Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon