10

113 3 0
                                    

---------------------------------

Ginnie's POV
Goodmorning sunshineee! Unang araw na ng pasukan so kailangan ko ng mag-ayos ayokong maging panget no.

Yay let me introduce myself I'm Ginnie May Mercado but you call me Ginnie *wink* sabi nila ako daw ang kikay sa magkakaibigan well totoo naman hahahaha 18 years old. Lovelife? Wala ako nan I really hate boys mga play boy lahat ng mga yan kaya wag na lang.

Pang lima ang pamilya sa pinakamayan sa Pilipinas. Business? Pagmamay-ari namin lahat malls dito sa Pilipinas meron din sa ibang bansa. Parents? Ayun busy sa pagpapatakbo sa mga business namin walang oras na hindi naalis ng bahay kaya wala akong nakakasama pero naiintindihan ko naman sila at si ate naman ayun may asawa na.

"Oyy gising na mga mahal na prinsesa may pasok tayo ngayon." sigaw ni Raizah.

Ayan na ang alarm clock namin agang aga sigaw ng sigaw akala mo lagi may kaaway. Lalabasin ko muna para magpakita at alam ko na hindi yan titigil kakasigaw kapag wala siyang nakikitang anino kahit isa samin.

"Hoy Raizah yung bungaga mo ang lakas lakas." sabi ko dito habang nakadungaw sa may pinto.

"Haynako alam kong ang babagal niyong kumilos kaya ginigising ko na kayo ng maaga. Gigisingin ko na yung iba kaya maligo kana." sermon sakin ni Raizah.

"Wow coming! Bilis mong kumilos no?" biro ko sa kanya.

"Che!" sabi niya sabay talikod at pumasok na sa kwarto ng iba pa naming kaibigan.

Yes tama ang nabasa niyo nasa iisa kaming bahay ng mga kaibigan ko well pangarap kasi naming lima to pero sa totoo lang dapat hindi titira dito kasi si JK ayaw niya daw kasi kaming kasama at maiingay daw kami syempre hindi kami pumayag na di siya kasama kaya pangarap namin to kaya pinagpaalam namin siya sa magulang niya kaya wala siyang nagawa kundi lumipat dito sa bahay na to.

Yung mga bayarin dito tulad ng kuryente, tubig at internet yung mga magulang namin ang nagbabayad non.

Yung mga kasama ko dito sa bahay na to sina JK, Raizah, Queenie at Max. We're friends since we are little kaya kilala na namin ang isa't isa.

Let me introduce my beautiful besties first,  Jasmine Kate Del Valle ang isang napaka moody na tao at ang cold makisama pinaglihi ata yan sa yelo hahahaha joke. JK ang tawag namin sa kanya kasi sabi niya mukang ngang panglalaki yung JK pero mas gusto niya daw yun kaysa sa Jasmine o Kate. Ayaw na ayaw siyang tinatawag na Kate kasi para daw pusa ang arte nga e. Siya ang pinakamatanda samin kaya sinusunod namin yan kapag may inuutos siyang mahalaga kasi nakakatakot yan magalit.

Raizah Marie Dela Cruz isang babaeng megaphone hahahaha joke lang ang lakas kasi sumigaw sakit sa tenga pero ang sweet sweet nun. Siya ang pinakamaliit samin pero wag kayo cookerist yan yummy yummy magluto hahahahaha.

Queenie Ann Smith ang babaeng walang ginawa kundi mang-asar pero talo naman pagdating kay JK magpinsan sila hindi lang halata magkasalungat ugali eto maingay yung isa naman tahimik and she hate being called in her second name and I don't know why but Ann is gorgeous name duh.

Maria Maxine Cruz Max for short ang babaeng pinakamabagal kumilos sa pinakamabagal hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa nan at sobrang bagal kumilos kaya minsan nauuna na kaming pumasok tas minsan pa di makausap ng matino laging lutang.

Oops cut the introduction makilala niyo din yang mga yan.

Inumpisahan ko na maligo at mag-ayos para ready to go na lang. Nagsuot lang ako ng simpleng white dress at 3 inch heels hindi muna uniform kasi lagi naman sibilyan kapag first day of school sa pinapasukan namin.

Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon