14

86 3 0
                                    

---------------------------------

Jaira's POV
Pagkababa ko tumambad sakin yung bahay nila ay no mali ako di bahay to mansyon to wow as in wow napakalaki at ang garbo ng bahay nila para ngang mga prinsesa yung nakatira.

(Click the picture on multimedia to see picture and that picture is not mine.)

Sa sobrang pagkamangha sa mansion nila hindi ko na napansin na wala na pala sila sa tabi ko.

"Jai nakatulala ka na dan halika na dito baka mapagkamalan ka pang estatwa dyan." natatawang sabi ni Ginnie.

Lumapit naman ako sa may pintuan nila habang nakanguso kaya nagsitawanan naman sila sa itsura ko tas si JK naman ayun ngumiti kaya napatulala ako sa kanya OMYG!! ngayon ko lang siya nakitang ngumiti kanina ko pa kasi siya kasama pero di man lang siya ngumiti.

"Ganda niya no?" sabi ni Max napatango na lang ako na di oras hindi ko nga alam na nasa tabi ko pala si Max.

"Hoyy." sabi ni Raizah tas pumalakpak pa kaya natauhan ako sa pagkatitig ko kay JK.

"Sorry naman namangha kasi ako sa mansion niyo." nakanguso ko paring sabi.

"Wala yun ang cute mo nga e." sabi ni Queenie sabay pisil sa pisngi ko.

"Bakit ganon kapag si Jai ang nanguso ang cute pero kapag si Ginnie at Raizah mukha silang bibe at pato?" takang tanong ni JK.

Nagtagalog siya na hindi galit OHMYGOD!!!

"Ang harsh mo talaga JK no?" tanong ni Ginnie.

"Ang sakit sa heart JK tagos na tagos." sabi ni Raizah at umaakto pa na para bang nasasaktan yung dibdib niya.

Nakikipagbiruan si JK omo omo.

"Just kidding my little two dongsaeng." biro ni JK at ngumiti.

Omo ang ganda niya talagang ngumiti sana lagi siyang ngumiti bagay na bagay sa kanya tska dongsaeng no yun?

"Your so mean." sabay na sabi nila Ginnie at Raizah.

"Ano yung dongsaeng?" curious na tanong ko.

"Dongsaeng means a younger sibling or someone younger than you. It's Korean word." nakangiting sabi ni JK.

Ah yun pala yun makapag-aral nga ng Korean language mukha kasing ang sayang matutunan e.

"Tumira kasi si JK sa Korea ng ilang taon kaya natuturuan na din kami ng alien words hahaha." sabi ni Max.

"Uhm JK---" hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi napatingin sakin si JK.

"Uhm ano sorry Jasmine sabi kasi sakin ni Queenie itawag ko daw sayo JK kung ayaw mong tawa---"

"It's ok Jai you can call me JK." nakangiti sabi ni JK.

"U-uhm o-okay." sabi ko at napakamot ako sa tenga ng bahagya.

"So anong sasabihin mo dapat?" tanong ni JK.

Nahiya tuloy ako sa kanya pano ko tuloy sasabihin yan ay basta sasabihin ko na lang.

"Uhm a-ano mas bagay sayo ngumiti kaysa sa walang emosyon yung mukha mo." nahihiya kong sabi.

Ngumiti lang sakin si JK at pumasok na sa loob ng bahay nila.

"Ganyan talaga yan Jai hindi pinapakita sa iba yung ganyan niyang side maliban samin minsan nga kapag kami kami lang din magkakasama tas wala parin siyang ekspresyon ibig sabi nun wala siya mood, pagod o may masakit sa kanya moody kasi kaya ganyan tas kung hindi mo siya kabisado sa bawat galaw niya mahihirapan ka talagang intindihin yan pero no worries makakasanayan mo na yang ugaling ganyan buti nga e nagtagalog sa pakikipagbiruan kasi minsan talaga puro english akala mo naman nasa ibang bansa hahahahaha." sabi ni Max.

Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon