6

104 5 0
                                    

---------------------------------

Jaira's POV
Lumipas ang mga araw at wala na kong ginawa dito kung hindi kumain ng kumain at matulog.

Kinabukasan na yung pasukan namin pero wala parin akong gamit para bukas kaya mamaya na lang ako bibili. Andito pa ko ngayon sa may pool area at nakababad yung paa ko sa tubig.

Hayy!! Naalala ko na naman yung kaibigan ko nung bata ako si Rain as in ulan dami ko lang lagi naaalala no? hahahaha 7 years old ako noon nung makilala ko siya. Pinakilala kasi sakin nila mommy si Ray yeah Ray ang tunay niyang pangalan Rain lang talaga pinangalan ko kasi naulan kasi non nung pinakilala siya sakin tas magkatunog pa yung Ray sa Rain hahahahaha.

Laging kami naglalaro sa may park malapit sa bahay namin dati kasama yung ate niya na di ko na matandaan kung anong itsura niya at pangalan niya pero hindi ko na siya nakasama dahil umalis na sila ng bansa. Nagpaalam naman si Rain sakin na babalik siya pero 10 years na ko nag-iintay pero walang Rain na nagpapakita. Naputol na din kasi communication naming dalawang nung 10 y/o ako.

FLASHBACK
"Baby Jai si Ray pala anak siya ng kaibigan namin ng daddy mo." pagpapakilala ni Mommy.

"Hello Rain." sabi ko at kumaway sa kanya.

"Hello din pero Ray hindi Rain." sabi niya sakin at binigyan niya ko ng ngiti.

"Maglaro muna kayo dan baby Jai at may pag-uusapan kami ng parents ni Ray." ngiti niyang sabi sakin at kay Rain.

"Yaya bantayan mo sila dito." utos niya sa yaya ko.

"Sige po ma'am." sagot ni yaya.

"Rain na lang tawag ko sayo ah? Magkatunog naman sa pangalan mo e." ngiting sabi ko kay Rain.

"Sige basta ang tawag ko sayo ay Lou sa Lousie ko yan kinuha." ngiting sabi sakin ni Rain.

"Pano mo naman nalaman yung second name ko?" takang tanong ko.

"Sinabi sakin ng mommy mo." sabi niya.

"Ah ganon ba? Friends?" sabi ko at nilahad ko yung kamay ko sa kanya.

"No." sabi niya at natigilan ako sa sinabi niya.

Sayang naman siya pa man din yung unang magiging kaibigan ko kapag nagkataon. Ibaba ko na sana yung kamay ko pero bigla niyang hinawakan at pinagpatuloy ang pagsasalita.

"Best friends" ngiti niyang sabi sakin.

Batuwa naman ako sa sinabi niya akala ko pa man din ayaw niya sakin at ayun hinila ko na siya papuntang sa may room ko para maglaro.

**
Lumipas ang buwan at lagi ko siyang kasama naglalaro. Araw-araw na siyang pumupunta sa bahay noon minsan naman kasama niya yung ate niya.

Nakilala namin ang isa't isa halos alam na namin ang kilos at galaw namin sa bawat isa. Kung ako kinakamot ko yung tenga ko kapag nahihiya at hindi ko alam ang sasabihin ko siya naman ay napapahawak sa batok niya pero lagi niya kong inaasar na panget nakakainis.

"Panget panget." asar sakin ni Rain.

"Ano na naman kailangan mo baboy?" ganti ko sa kanya hahahaha hindi naman siya talaga mataba chubby lang.

"Sinong baboy ah panget?" sigaw niya sakin ayan napipikon na siya.

"Ikaw nagtatanong ka pa ikaw lang naman ang mataba sating dalawa hahahaha." bungisngis kong sabi kay Rain.

Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon