Lucian Antonio Vazquez
"Apo hijo hanggang kelan ka ba magtitino?" Tanong ni Don Martin Vazquez sa kanyang kaisa-isang apo at kaisa-isang taga pagmana ng kanyang yaman. "When will you stop doing shity things into your life apo?" Napapahilot sa sentidong tanong pa rin ni Don Martin
Problemado ang matanda dahil palagi nalang sya nitong nahuhuli sa kanyang tinitirahan na may kasama at kaniig na mga babae. Oo "mga" babae! Hindi sya kuntentong makipagtalik sa isa lang kaya naman sa tuwing mag uuwi sya ng mga babae ay palaging dalwa o tatlo ang mga ito at minsan pa nga kapag ganadong ganado sya ay apat ang inuuwi nya para magpaligaya sa kanyang malalamig na gabi.
Bored na tinitigan ni Lucian ang kanyang lolo. Kung titingnan mo ang kanyang butihing lolo, hindi mo masasabi na isa na itong lolo. Palagi pa nga napagkakamalan na kanyang ama ang matanda. Dahil sa edad na sixty nine ay napakatikas pa rin nitong tingnan at napakalakas pa rin ng katawan, at kung hindi mo kilala ang totoong Don Martin mangingilag ka matanda dahil napakalakas ng awra nito na syang nakakapagpatapang tingnan sa itsura at tindig ng kanyang lolo.
Kunot noong sinalubong ng mga matang kulay abo ng kanyang lolo ang kanyang mata na naghahalo sa pagiging kulay abo at asul dahil na din sa kalahati ng dugo nya nagmula sa kanyang lolo ay Kastila at ang kalahati naman sa kanyang yumaong lola na Pranses. Ang kanyang ama ang nag iisang anak ni Don Martin at Doña Amelia, samantalang ang kanyang ina naman ay purong Pilipina.
"I'm just enjoying my life Lo, may masama ba dun?" malumanay naman nyang tugon
Kahit kelan ay hindi sya nakaramdam ng pagkairita o pagrerebelde sa kanyang lolo dahil kahit isa syang pasaway at babaerong apo sa paningin nito ay mahal na mahal nya ang kanyang abuelo. Napakalaki ng respeto nya sa matanda dahil kahit kailan ay hindi sya nito pinabayaan at pinuno pa rin sya ng kalinga at pagmamahal simula ng mawala sa mundo ang kanyang mga magulang.
Mula sa sentido ay lumipat sa batok ang kamay ni Don Martin at yun naman ang hinilot.
Napailing iling to at pagkuway inistraight na ininom ang whisky na kanilang pinagsasaluhan maglolo.
"Hanggang kelan ka mag eenjoy? You're not getting any younger"
Napainom din ng alak si Lucian. Alam na nya ang patutunguhan ng usapan nilang maglolo ngayon.
"I'm only Twenty-nine Lo, bata pa ako at marami pa akong gustong gawin at iexplore sa buhay" nangingiti nyang sabi "Ayoko pang mag asawa" dugtong agad nya ng makitang magsasalita ang kanyang lolo
Napamulagat ang matanda at muling uminom ng alak.
"Kelan mo balak na mag asawa Lucian, kapag patay na ako at mag isa ka nalang sa buhay?"
Bahagyang naningkit ang mga mata ng binata at mabilis na lumapit sa kanyang lolo saka tinapik ito sa balikat.
"Don't say that again Lo, takot si Kamatayan sayo kaya matagal ka pa nya bago sunduin"
Napabuntong hininga ang matanda.
Sinenyasan syang maupo ulit at pinakatitigan sya.
"Ano ba kasing mga pinagkakaabalahan mo? May inililihim ka ba sakin Lucian?" nagdududang tanong sakanya ni Don Martin na muntik naman nyang ikasamid "Sa tuwing dadalawin kita o tatawagan sa opisina ay madalas na wala ka, ang sabi pa ng sekretarya mo may mga chances pa daw na minsan isang linggo o dalwang linggo kang nawawala at hindi pumapasok"
Fvck! My secretary!
"I don't have any secret Lo" napalunok nyang sabi at pinilit na sinalubong ang mapanuring mata ng kanyang lolo para patunayan dito na wala syang inililihim dito.
Napatango naman ang matanda at saka sumandal at pumikit.
"Ang gusto ko lang naman apo ay mailagay sa tama at tahimik ang buhay mo, ayokong may mangyaring masama sayo o mapahamak ka dahil nag iisa ka nalang na natitira sa buhay ko, gusto kitang makitang masaya kasama ng bubuuin mong pamilya" wika ng kanyang lolo habang nakapikit
Saglit na nagunot naman ang kanyang noo. May alam ba ang kanyang abuelo sa kanyang "lihim" na trabaho?
Pagkuway napailing iling din sya, imposibleng may malaman ang kanyang lolo dahil mahigpit ang organisasyon na kanyang kinabibilangan, sadya lang siguro na talagang nag aalala ang kanyang lolo para sa kanyang kinabukasan ayaw nito na maiwan syang nag iisa sa buhay.
"I'm happy and contented to my life now Lo, tama na muna na ikaw lang ang iniintindi at inaalagaan ko kesa sa ibang bagay" wika nya na ikinadilat ng mga mata ng lolo nya
BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomanceLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...