"I love you" masuyong bulong ni Lucian sa tenga ni Val habang magkayakap silang tinatanaw ang papalubog na araw.
Nasa isang beach resort sila sa Hawaii kung saan isa sa mga bansang napili nila para sa kanilang Honeymoon.
Isang linggo na ang nakakalipas ng ikasal sila ng mabilisan at napag usapan na din nila na kapag nakabalik na sila mula sa kanilang Honeymoon ay magpapakasal sila ng engrande base na din sa hiling ni Don Martin at ng ina ni Val.
"I love you too" nakangiting tugon naman ni Val
"Mas mahal kita" tugon naman ni Lucian
"Hindi, mas mahal kita" pagdidiin naman ni Val
"Val mas mahal kita kesa sa mas mahal mo ako" pilit pa rin ni Lucian saka sya hinalikan sa leeg ang dalaga
Tinampal naman ni Val sa braso si Lucian habang natatawa.
"Ayaw mo talagang magpatalo noh?"
"Syempre naman ako na nga ang palagi under sayo eh, kahit paminsan minsan naman kahit sa pagmamahal lang, hayaan mong lumamang ako sayo" malambing na sabi ni Lucian
"Oo na sige na mas mahal mo ako" nakairap na sabi ni Val
Mahigpit syang niyakap ni Lucian at idinikit ang katawan sakanyang likod.
Nanlalaki ang mga matang napalingon si Val dito.
"Lucian!"
Natawa naman lalo si Lucian at masuyo syang pinaharap at hinalikan agad sa labi.
Naninigas na naman kasi ang pagkalalaki nito, halos araw araw at gabi gabi hindi simula ng maikasal sila ay hindi na mabilang ni Valerie kung ilan beses syang inaangkin ng lalaki sa bawat araw at bawat gabi, hindi din naman nya tinatanggihan ito dahil gustong gusto din naman nya, lahat na yata ng paraan ginagawa ni Lucian para mapaligaya sya, at ginagawa din naman ni Val ang lahat para mapaligaya ang binata. Ang totoo nga ay parang naadik na sya sa paglalambing at pag angkin sakanya ni Lucian.
"Sinisigurado ko lang na magkakaapo na si lolo at si mommy satin. Masyado na nila tayong pinepressure na magka baby, pati si Jacob sinasabihan ako na patunayan ko daw na hindi ako baog gago yon ah" naglalambing na sabi ni Lucian habang naglalandas na ang malikot nitong mga kamay sa kanyang katawan.
Natawa nalang si Val.
Nagkasundo na din sila ng mommy nya, nag heart to heart talk sila noong pinuntahan nya ito sa Hospital pagkatapos sila dukutin ni Logan. Napatawad na nya ito at ngayon nga ay todo ang bilin sakanila na bilisan gumawa ng baby dahil nasasabik na daw ang kanyang ina na humawak at mag alaga ng baby.
"Tara, siguraduhin mong bulls eye ha" nangingiti nyang bulong kay Lucian at hinalikan ito sa labi
Agad naman syang kinarga ni Lucian at malalaki ang mga hakbang na ipinasok sya sa cottage na inookupa nila.
❤❤❤❤❤
Salamat po sa mga readers.
Nag iisip pa po ako kung lalagyan ko ng special chapters to, what do you think guys?🤔

BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomanceLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...