Maghahating gabi ng may mapansin si Val sa labas ng bakuran na parang may tao na tumakbo, hindi nya alam kung guni-guni lang nya ang nakita o tao talaga.
Nasa rooftop pa rin silang dalawa ni Lucian, hindi pa naman sila inaantok kaya nagpasya silang manatili doon.
Dinampot ni Val ang sniper at sinipat ang labas, pinasadahan nya ng tingin ang dinaanan ng nakita nya.
"May nakita ka?" kunot noong tanong sakanya ni Lucian
Iiling na sana sya at ibaba ang hawak ng saktong pagsipat ulit nya ay may nakita na naman sya na tumatakbo.
"Shit!" mura nya saka mabilis na sinipat ang nakita nya
Namataan agad nya na may baril itong hawak kaya pinatamaan agad nya ito. Saka mabilis na hinila si Lucian palayo sa railings ng rooftop.
"Nandyan na sila, dalwa na yun nakita ko. Yung isa hindi ko alam kung saan nagpunta" sabi nya kay Lucian
Tumango naman agad si Lucian
"I'm sure hindi lang yon dalawa"
Pareho pang nagkatinginan sa isat isa si Lucian at Val ng makarinig sila ng sunod sunod na putok.
"Damn!" agad na kumilos si Lucian, ikinasa nito ang baril at mabilis syang hinalikan sa ulo. "Bababa ako, tutulungan ko sila, ikaw na ang bahala dito"
"Sige, mag ingat ka ha" bilin nya at kumilos na din sya para pumuwesto.
Gaya kanina na may araw pa ay ganon din ang ginawa ni Valerie, lahat ng makita nyang kalaban sa ibaba ay binabaril nya, maganda ang kanyang pwesto dahil may pinagkukublian sya, kaya kahit gumanti ng putok ang nasa ibaba ay hindi sya basta basta matatamaan.
Hinanap nya si Lucian, alerto din ito at sunod sunod din ang naging pagbaril, hanggang sa nawala ito sa paningin nya, marahil ay nagpunta ito sa likod o sa loob ng bahay.
Inalalayan din nya ang iba nilang kasamahan, lahat ng nagtatangka na humarang o asintahin ang mga kasama nila na makita nya ay agad nyang pinapatumba.
Nagpapasalamat nalang sya sa mga ipinadalang makakasama nila dahil kahit gaano pa sila kagaling ni Lucian ay tao pa rin sila, kundi man sila tamaan ng bala malamang manghihina sila sa pagod, napakarami ng tauhan ni Khairo.
"Lucian nasan ka?" tanong nya sa mouthpiece na nakakabit sakanya. Lahat sila ay meron, dinala ng mga kasamahan nya sa south based at binigyan sila ni Lucian para may communication silang lahat.
"Nandito ako sa likod Val, may mga umakyat sa bakod para dito dumaan sa likod" tugon ni Lucian at narinig nya na parang sinuntok ito kasunod ng putok ng baril.
"May kasama ka ba dyan?" nag aalala nyang tanong dito habang may sinisipat sya para barilin
"Nandito ako" singit ni Jaguar
"Ako din" boses ni Thunder
"Ok lang kami dito" boses ulit ni Lucian
"Mag ingat kayo" bilin pa rin nya "Panther nasan kayo?" si Panther naman ang hinanap nya
"Nandito sa front door.. shit!" hindi na muli itong nagsalita at narinig nalang nya na parang nakikipagbugbugan ito.
Ilan pa ang nabaril nya hanggang sila Tiger naman ang namataan nya. Nakikipagbugbugan ito. Tatlo ang kalaban nito habang ang kasama nitong si Flash ay dalawa.

BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomanceLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...