Nagtataka man ay hindi na kinulit na tanungin pa ni Valerie si Lucian sa biglaan pagbabago ng mood nito.
Muli syang umakyat sa itaas at inihanda ang kanyang baril. Kapag nasa ganitong sitwasyon kailangan nyang ihanda ang sarili.
Katatapos lang linisin at punuin ni Valerie ng bala ang kanyang dalawang baril ng tumunog ang kanyang personal phone.
Napakunot noo sya ng makitang numero lang ang nag appear sa screen.
"Hello" sagot nya sa tumatawag saka isinuksok sa kanyang likod ang isang baril.
"Valerie Anne, hows my sweet little pussy cat?" anang malademonyong tinig sa kabilang linya
Agad na sumama ang mood ni Val ng mapagsino ang tumawag. Kilalang kilala nya ang boses ni Khairo dahil halos kaboses din ito ni Jhairo.
Pano nito nalaman ang numero nya? Ilan tao lamang na malalapit sakanya ang nakakaalam ng kanyang personal number.
"Khairo" malamig na banggit nya sa pangalan nito
Tumawa ang lalaki.
"I'm glad dahil nakilala mo agad ang boses ko, mahal ko" parang baliw na sabi nitoAgad na nagsalubong ang kilay nya, tawagin palang syang mahal ko ni Khairo ay gustong kilabutan ng buong katawan nya. Mahal ko ang palaging itinatawag sakanya ng binata simula noon pa.
"Wala akong panahon makipag usap sayo, gago" agad nyang mura dito
"Ows? Talaga? Wala kang panahon?" may pang aasar na tanong nito sakanya
"Tigilan mo na ang mga pinag gagawa mo Khairo, buhay ka palang sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno" gigil nyang sabi dito
Humalakhak ang lalaki sa kabilang linya. Nagsisimula ng tumaas ang dugo ni Valerie. Marinig palang ang boses ng lalaki ay napopoot na sya. Ito kasi ang sinisisi nya sa pagkamatay ng matalik nyang kaibigan na kakambal nito. Kundi lang kasi gago at pasaway si Khairo malamang buhay pa hanggang ngayon si Jhairo.
"Mahal ko, kahit kelan talaga masyado mo akong pinapasaya"
"Baliw ka na Khairo!"
"Yeah, I'm crazy and its all because of You my sweet pusy cat" nakakalokong sabi nito
"I'll cut the line, maghanap ka ng makakausap mo" galit nyang sabi
Pero mabilis din nagsalita si Khairo
"Try it my sweet pussy, I'll kill you mother" banta nito
"Anong sinabi mo? Papatayin mo ang..." agad syang natigilan, hindi kaya...
"Yes mahal ko, kasama ko ang mahal mong ina ngayon, gusto mo ba syang makausap?"
Naningkit ang kanyang kilay at napahigpit ang kapit nya sa telepono.
Galit sya sa knyang ina dahil sa panloloko nito sakanyang ama, kaya nga ng magpakasal ito sa ama ni Jacob ay iniwasan na nya itong makita ay makausap. Pero ang ama ni Jacob ang gumawa ng paraan para magkaayos sila ng kanyang ina, mismong ito ang nakiusap sakanya noong nabubuhay pa ito na sana mapatawad na nya ang kanyang ina pero dahil masyadong napuno ng sama ng loob ang kanyang puso para sa kanyang ina na nagtaksil sakanyang ama na sobrang mahal na mahal nya kaya hindi nya ito mapatawad. Lalo na at ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama ay dahil nagksakit ito ng malubha dahil sa sama ng loob sa kanyang ina, hindi na ito kumain at palagi nalang nilulunod ang katawan sa alak at palaging nakakulong sa kuwarto. Inatake ito sa puso hanggang sa hindi na kinaya ng katawan.
BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomanceLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...