Chapter 26

1.9K 31 1
                                    

Tapos ng maligo si Valerie, kahit nasa alanganin sitwasyon hindi pa rin nya mapigilan ang mapangiti. Tumataas ang adrenaline nya, mukhang mapapalaban sya ng todo kay Khairo. Sisiguraduhin nyang mapapaligaya nya si Khairo ng todo at mas higit pa sa gusto nito.


Nakangiting isinuot nya ang manipis na underwear na kulay pula at ang nightiest na kulay pula din at hanggang hita lang nya ang haba. Nakalabas ang malulusog nyang cleavage sa ukab nito at kitang kita ang magandang kurba ng kanyang katawan.



Nang matapos syang mag ayos sa sarili ay saka nya tinawag ang isa sa mga babaeng mag aayos at magpapaligo sana sakanya kanina.



"Ihatid mo na ako sa silid ni Khairo" utos nya dito at mabilis naman itong nag bow


"Masusunod madam"


Naunang naglakad ang babae habang sya ay nakasunod dito. Lihim nyang sinasaulado at pinagmamasdan ang lahat ng dinadaanan nila. Hanggang sa tumigil ito sa pinakadulong silid at kumatok.

"Boss naririto na po si Madam Valerie"




"Patuluyin mo" anang utos ng lalaki



"Pasok ka na madam" baling sakanya ng babae.

Huminga muna sya ng malalim saka humakbang papasok sa silid. Pagkapasok na pagkapasok palang nya ay narinig nyang nag click ang lock ng pinto. Marahil ay inilock iyon ng babae, sa utos siguro ni Khairo.

Agad nyang nakita ang kanyang ina sa kabilang silid na may salamin nakaharang. Napailing nalang sya, katulad din ito ng silid sa opisina nito kanina.



Naikuyom ni Valerie ang kamao ng marinig na bumukas ang pinto ng banyo..

Lumabas si Khairo na ang lapad ng ngiti at nakatapi lang ng towel. Tumutulo pa ang basa nitong katawan. Napataas ang kilay nya ng makitang bago itong shave at nagpagupit din ng mahabang buhok. Napakalayo ng itsura ni Khairo sa nakita nya kanina, sa Khairo na kaharap nya ngayon. Ang Khairo ngayon ay malinis tingnan at maaliwalas ang mukha at kahit sagad hanggang buto ang galit nya sa lalaki ay masasabi nyang guwapo ito. Guwapo naman kasi talaga ang bestfriend nyang si Jhairo kaya hindi na sya magtataka kung guwapo din ang kakambal nito.


"At last..." masayang sabi ni Khairo at humakbang patungo sa mini bar na naroon saka nagsalin ng alak sa dalawang baso.

Iniabot nito sakanya ang isa habang ang isa ay sinisimsim nito habang malagkit na nakatitig sakanya.


"Youre beautiful Valerie Anne, so beautiful" wika nito habang sinusuyod sya ng tingin mula ulo hanggang paa. "I wonder kung bakit hindi manlang tinablan sayo ang kakambal ko, samantalang napakswerte nya dahil palagi ka nyang kasama at nakakatabi pa sa pagtulog"



Tumaas ang sulok ng labi ni Valerie.

Walang nakakaalam ng lihim na sekreto ni Jhairo, tanging sya lang. Si Jhairo ay pusong babae, kaya naman tiwala sya na kahit magkatabi pa silang matulog palagi o kahit makasama nya ito ng buong araw at gabi ay walang mangyayari sakanila dahil lalaki din ang tipo nito, hindi nga lang halata sa pagkatao nito.

"Dahil si Jhairo ay mabait at hindi demonyong gaya mo" nakangiti nyang sabi


Umiling iling si Khairo.

"Hindi ko kasalanan kung ipinanganak syang may puso habang ako ay wala mahal ko, ganon yata talaga kapag kambal, madalas ay magkaiba ng ugali" pagkasabi non ay sumisim ulit to ng alak at malagkit syang tiningnan. "Anne, alam mo ba kung anong tumatakbo sa isip ko ngayon habang nakikita ko ang maganda mong katawan?"



A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon