"Sugar!" agad nyang bungad sa tumawag sakanya.
Gaya ni Dark ay kasamahan nya ito sa grupo pero magkaiba sila ng ginagawa at tinatrabaho.
"Vana, sorry babe ngayon lang ako nagparamdam daming pinagawa si Boss, gusto nya kasi lahat ng plano ay pulido" agad na paliwanag nito
Si Sugar ay gaya ni Dark na ka-closed din nya sa kanilang grupo, pero babae ito at talagang Babe or kaya minsan Baby ang tawagan nilang madalas sa bawat isa na sya mismo ang nagpasimula. Iniisip kasi ng iba na tibo sya dahil ni minsan hindi sya nagkagusto o nagkainteres sa mga lalaki kahit na sa mga kasamahan nya na nagpaparamdam sakanya ay wala din syang natipuhan kaya hinayaan nalang nya ang mga iniisip ng mga ito sakanya hanggang sa napag tripan nyang tawagin noon ng baby si Sugar para inisin ang boyfriend nito na sinakyan naman agad ng kanyang kaibigan. At dahil ka-closed din nya si Dark nakiki baby or babe din ng tawag ito sakanya na ikinaiinis naman nya dahil may halo yun na kalokohan at panunudyo sakanya.
Napairap sya sa hangin at pabagsak na umupo sa kama.
"Ano ng balita dyan? Alam kong nakarating na kay Boss na gumawa ako ng kapalpakan" nakangiwi nyang tanong sa kaibigan
"Yeah, and he is mad, bakit mo daw ginawa yon. Ano ba kasing pumasok sa isip mo para gawin yon babe? Lalo mo lang inilagay sa alanganin ang buhay mo"
"No choice na ako babe, I need to do that alam mo naman hindi ko kaya makakita ng isang matanda na sinasaktan" laglag ang balikat na tugon nya
"I understand, lumaki ka sa lola kaya hindi mo talaga makakaya makakita ng ganon. Kumusta ka na? Malamang maraming nag hahunt sayo ngayon"
"Eto ayos lang, wala naman akong pakialam kahit huntingin nila ako, alam mong hindi ko sila aatrasan" pagkatapos ay bumuntong hininga sya. "Bakit ka nga pala napatawag?"
Alam nyang may bagong utos ang kanilang Boss dahil tumatawag lang naman ang kanyang mga kasamahan sa cellphone na inilaan sakanya kapag may utos o pinapasabi ang kanilang pinuno.
Dahil kung mangungumusta lang si Sugar bilang kaibigan, malamang don yun tatawag sa personal nyang cellphone.
"Pinapasabi ni Boss na kung nasan ka man daw ngayon or kung anong pinag gagawa mo ngayon eh dyan ka nalang muna, maghintay ka nalang daw ng susunod nyang iuutos sayo. Teka, nasan ka nga pala ngayon at sinong kasama mo?"
Agad na umikot ang mata ni Valerie at tumaas ang kilay.
"Tigilan mo ako Babe, kahit hindi ko sabhin sayo alam ko na alam mo at ng lahat kung nasaan ako at kung sino ang kasama ko"
May tracking device ang kanyang cellphone na ginagamit ngayon at ganon na din ang necklace na suot nya kaya hindi sya maloloko ng kanyang kaibigan.
Narinig nyang tumawa ang kaibigan.
"Malapit ka lang dito, mas ok yan babe mas madali kitang matutulungan in case of emergency..and...hmmm..." tumigil muna ito at saka tumikhim "Guwapo ba ang tagapagmana ng Vazquez babe?" may panunudyong tanong ni Sugar sakanya
"A-ano?" hindi nya alam kung bakit ng itanong sakanya ni Sugar yon ay bigla nalang syang mamula ng sumingit sa isip nya ang kabuuan ng itsura ni Lucian, kasama na ang maganda at matipuno nitong katawan.
Humagalpak ng tawa sa kabilang linya si Sugar.
"Hoy! Nababaliw ka na ba?!" malakas nyang singhal dito
BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomansaLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...