"What the hell are you doing?!" gulat na tanong ni Lucian kay Val ng walang sabi-sabing basagin nito ang salamin ng kanyang sasakyan.
"I told you, ako nalang ang mag aadjust!" tugon sakanya ni Val at saka umisod palapit sakanya, sinipa nito ang mga natitirang bubog sa bintana at saka pinagpag ang upuan.
"Val delikado ang gagawin mo...fvck!" pagsasabihan palang nya ang dalaga dahil nahuhulaan na nya kung anong pinaplano nitong gawin ay kumilos na agad ito.
Inilabas nito ang kalahati ng katawan at itinutok ang mga baril sa humahabol sakanila.
Hindi malaman ni Lucian kung ititigil o didiretso sa pagpapatakbo, nag aalala sya kay Val, masyadong delikado ang ginagawa nito.
"Huwag mong subukang itigil ang sasakyan Lucian, baka ikaw ang barilin ko" malakas na sabi at banta ni Val sakanya na parang nahulaan agad ang iniisip nya.
Sinubukan nyang hilahin ang dalaga papasok
"Pumasok ka dito, mas mapapahamak ka nyan dahil sa ginagawa mo"
Sinipa lang sya ni Val at hindi na sya pinakinggan nito kahit na sunod sunod na ang kanyang pagmumura dahil sa pinaghalong pag aalala at at galit sa pinag gagagawa ng dalaga.
Pinilit nyang mag focus sa pagmamaneho, naisipan nyang tawagan si Raven pero idadial palang nya ang line nito ay naunahan na syang kontakin nito.
Mabilis nyang sinagot ang tawag ni Raven.
"Garfield nasan ka? Akala ko ba sinusundan mo kami? Bakit hanggang ngayon may nasa likod pa rin namin yung dalawang sasakyan?!" sunod sunod nyang tanong dito
"May umepal na humarang sakin bro, pero wag kang mag alala on the way na ulit ako ngayon, nang agaw ako ng motor"
"Bakit? Anong nangyari sa sasakyan mo?"
"Tumaob! Pinataob ng mga gago!" malakas na sabi nito
Sasagot sana sya sa kaibigan pero natigilan sya at napatingin kay Val na tatawa tawang bumalik sa pagkakaupo sa sasakyan.
Awtomatikong sinulyapan nya sa salamin ang mga humahabol sakanila pero ganon nalang ang pagsasalubong ng kilay nya ng makitang nawala na ang isang humahabol sakanila habang ang isa naman ay bumangga na sa malaking poste na nadaanan nila at yuping yupi ang unahan ng sasakyan nito.
"Hello! hoy L, ano buhay pa ba kayo? Hindi ka na nagsalita dyan" dinig nyang sabi ni Raven sa kabilang linya, pero hindi na nya ito pinansin, nakatuon ang pansin nya sa dalaga at sa nangyari sa humahabol sakanila.
Damn! What happend? Ni hindi manlang nya napansin at naramdaman na wala na palang humahabol sakanila, Val is such an expert assissin!
"Anong ginawa mo?" nakatangang tanong nya kay Val na tatawa tawa pa rin at inihagis nito ang baril sa kandungan nya.
"Pinatigil ko lang sila sa pagsunod satin" nakangising tugon ni Val saka isinandal ang katawan sa upuan.
Napatiim bagang sya at muling nag focus sa pagmamaneho
"Huwag mo ng uulitin yon, masyadong delikado""Ang dekikado, yung sakay ka ng eroplano tapos pasasabugin mo yun eroplano at tatalon ka mula sa taas or kaya yung chopper na.."
"Shut the fvck up Val" asar nyang pagpapatigil dito.
Pero imbes na tumigil sa pang aasar sakanya ay mas tumawa pa ito, halatang nag eenjoy sa pang aasar sakanya.
Mabilis nyang itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada at walang kaabog-abog na nag preno.

BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomanceLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...