Chapter 25

1.9K 40 0
                                    

"Boss, nandito na si Richie" imporma ng isa sa mga tauhan ni Khairo


Ang seryoso at nakakatakot na mukha ni Khairo ay nauwi sa ngisi ng marinig ang sinabi ng kanyang tauhan..


Magdadalwang linggo na syang namamalagi dito sa Pilipinas dahil gusto nyang tutukan na makuha ng kanyang nga tauhan si Valerie.



Gusto talaga nya ang babae. Hindi nya alam kung dala pa ba to ng matinding pagnanasa nya sa dalaga o sadyang tumibok talaga ang puso nya para dito. Unang kita palang nya kay Valerie noon ng ipakilala ito ng kanyang napakabait na kakambal na si Jhairo ay nagustuhan na nya agad ang dalaga.
Ginawa nya ang lahat para mapalapit dito pero palagi nalang tong umiiwas o kaya ay malamig ang pakikitungo sakanya. Ramdam naman nya na ayaw sakanya ni Valerie, dahil ilan beses na din nitong ipinamukha sakanya noon na ayaw talaga sya nito, sya lang talaga ang pursigido at mapilit dahil bukod sa nagandahan talaga sya kay Valerie ay mas nadadagdagan ang pagnanasa nya dito dahil na din sa kakaibang personality nito bukod sa napakaganda din ng katawan nito.

Walang kaalam alam si Valerie noong kolehiyo palang sila ay nagpanggap sya isang beses bilang si Jhairo. Dahil magkamukhang magkamukha sila ng kanyang kambal, naglakas loob syang puntahan ito sa tinitirahan at pinapasok naman agad sya. Doon nya nalaman kung gaano ka close ang dalawa dahil niyaya pa sya ni Valerie na tumambay sa mismong kuwarto nito para maglaro ng board games. Nagpaalam ito na maliligo lang saglit at dahil tiwala ang dalaga na sya ang mabait na si Jhairo ay naligo ito ng hindi naglalock ng pinto ng banyo. Sinilip nya si Valerie sa paliligo nito, kitang kita nya ang buong hubad nitong katawan at dahil doon halos gabi gabi at araw araw ay palagi na nya itong pinagpapantasyahan at sobrang pinagnanasahan.


Obssess man sya kay Valerie o hindi ay wala na syang pakielam, ang importante nandito na ito ngayon at maikakama na nya ito maya maya lang. Matitikman na din nya ang katawan nitong matagal na nyang inaasam na matikman, sa dami ng mga babaeng dumaan sa buhay nya walang sino man sa mga yon ang nakasatisfy sa pangangailangan nya dahil sa tuwing may katalik sya, ang magandang mukha at katawan ni Valerie ang naiisip niya.



"Patuluyin mo sila" utos nya sa kanyang tauhan, napahimas sya sa kanyang baba at nagsisimula na syang mag isip ng mga gagawin nya kay Valerie

Tumungo naman ang tauhan nya at saka lumabas ng kanyang pribadong opisina.

"Diego!" tawag nya sa kanyang butler

Agad naman itong pumasok.

"Boss"





"Ipalinis mo ang kuwarto ko, gusto ko yung malinis na malinis, lagyan mo na din ng mga petals ng rosas ang higaan, at pabanguhin nyo ang buong paligid" utos nya habang nakangisi




"Masusunod Boss" tugon ng kanyang butler saka nagmadali itong lumabas ng kanyang silid






Ilan sandali pa ang kanyang hinintay ng may kumatok sa pinto saka bumukas yon.

Namataan nya si Richie na may malaking pasa sa mukha habang nasa likod nito si Valerie na seryosong seryoso ang mukha.



Agad syang tumayo sa kanyang kinauupuan at malapad ang ngiting naglakad palapit sa dalawa



"Boss nandito na po sya" wika ni Richie




"Magaling Richie, napano ang mukha mo?" tanong nya dito



Napahawak naman ito sa mukha na may malaking pasa saka tumingin kay Valerie

Nakuha agad nya ang ibig sabihin nito. Tinapik tapik nya ito sa balikat saka inabot dito ang isang sobre na may laman fifty thousand pesos.

A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon