Chapter 1

2.9K 70 0
                                    

*Valerie Anne Brenellie

"Don't touch me!" Pagpupumiglas ni Don Martin Vazquez habang itinutulak ito papasok sa isang hide out kung saan kasali sa grupo ng mga dumukot kay Don Martin si Valerie "Let go of me, dammit!" dagdag pa nito at napamura ng basta nalang syang itulak ng may hawak sakanya sa isa pa nilang kasamahan na syang umaaktong leader sa kanilang grupo.

Kasali si Valerie sa isang sindikato na unti-unti ng nakikilala bilang isang notorious gang sa loob at labas ng Pilipinas.

Hindi nya alam kung papaanong sa loob ng isang taon na sumali sya sa grupo ay mabilis na nakakalusot ang mga ito kapag nahuhuli ng may mga kapangyarihan sa batas. Base sa kaalaman nya ay bago palang sa larangan ang grupo, tatlong taon palang ang mga ito pero pang anim na si Don Martin sa mga mayayaman na nadudukot ng grupo at naipapaglit sa milyon milyong halaga.

Ang grupo nila ay nakikilala na bilang isa sa mga grupo na dumudukot ng mga kilalang mayayamang tao para ipagpalit sa ransom na nagkakahalaga ng milyon milyong piso.


"Tanda wag ka na kasing magpumiglas pa, hindi ka na din naman makakawala pa samin" nakangising sabi ni Ben na syang may hawak sa matanda "maliban nalang kung papalitan at babayaran kami ng magaling mong apo ng naaayon sa halagang gusto namin" malademonyo pa nitong dagdag at saka binitiwan si Don Martin na halos mapasubsob na sa sahig



"My grandson will not give you what you want!" galit na sigaw ng matanda saka mabilis itong tumayo at sinipa ng malakas sa tyan si Ben. Napaigik naman sa sakit si Ben at halos mapaluhod ito dahil sa tinamong sipa mula kay Don Martin. "Kahit na nakatali ang mga kamay ko, kaya pa rin kitang balian ng mga buto!" wika ng matanda



Sya naman ay lihim na napahanga sa matanda dahil sa kabila ng edad nito ay kitang kita pa rin ang tikas at ang pagiging malakas ng katawan. Patunay na ang nagawa nitong pagsipa ng malakas kay Ben.



Nagliyab naman sa galit ang mga mata ni Ben at saka bumaling sa kinaroroonan ng mga kasamahan nila.

"Mga gago, anong itinitingin tingin nyo dyan?! Bugbugin nyo ang matandang yan hanggang sa hindi na makabangon!" hiyaw nya at sapo ang tyan na tumayo "Pagsisisihan mong matanda ka dahil nagpunta ka pa dito sa Pilipinas" nakangisi nya pang dagdag


Ang mga kasamahan ni Valerie ay nagsimulang palibutan si Don Martin. May kanya-kanyang hawak na mga batuta ang mga ito.

"Sige lumapit kayo, hindi ko ikakamatay yan nga batutang hawak nyo!" naghahamon na wika ni Don Martin



Si Valerie naman ay napalunok at naikuyom ang kanang kamao, habang ang kaliwa nyang kamay napahawak sa kanyang mask na suot.


Lihim syang napamura ng magsimulang sugurin at hampasin ng batuta ng kanyang mga kasamahan si Don Martin. Habang ito naman ay panay ang ilag at laban din sa kanyang mga kasamahan, napakabilis pa rin nitong kumilos, halos lahat ng hambalos ng mga batuta sakanya ay kanyang naiiwasan.


"Ben tama na, hindi magugustuhan ni Boss kapag nakita nyang bugbog sarado si Don Martin, mayayari tayong lahat" pagkausap nya kay Ben na ngayon ay nakalapit na sa kanyang kinatatayuan.



"Maiintindihan ni Boss yan, sabihin natin lumaban" nanlisik ang mga mata nito at saka dumura sa tagiliran "Tang !na matanda yan ang sakit sumipa ng hayop!" gigil na gigil nitong sabi na ikinailing nalang nya.

Ilang sandali pa ang lumipas pero hindi pa rin napapabagsak ang matanda, masyado itong malakas at maliksi kahit na lima na ang nagtutulong tulong para bugbugin sya.



"Mga gago!" hiyaw ni Ben "Iisa lang yan hindi nyo pa mapatumba!" bumaling ito sa iba pa nilang kasamahan na nanonood lang din na gaya nya "Kayo, pagtulungan nyong lahat ang matandang yon!" utos nya sa iba at agad naman sumunod ang mga ito.


A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon