Chapter 19

2.4K 34 0
                                        

Napaigtad si Valerie ng padabog na bumukas ang pinto ng kanyang silid at iluwa non si Lucian na madilim na madilim ang mukha.

"Your babe is waiting for you downstairs" matigas nitong sabi at napakasama ng titig sakanya

"Si Jacob?" nagmadali syang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama

Tinaasan naman sya ng kilay ni Lucian at nagkibit balikat.

"Alangan naman si Tom?" pamimilosopo nito

Inirapan nya ito at mabilis syang humakbang palapit dito para makalabas sa pinto dahil nakaharang ito pero hindi ito kumilos para makadaan sya.

"Excuse me?" tiningnan nya ito, mukhang may gusto itong sabihin dahil umawang ang bibig nito pero hindi nito ito itinuloy.

Halata pang napilitan itong umalis sa pagkakaharang dahil bahagya nya itong itinulak.

Nang tuluyan syang makalabas ay mabilis syang bumaba sa hagdan para puntahan ang naghihintay na kapatid.

Simula ng makaalis sila Jacob ay wala ng imikan ang dalawa. Si Lucian ay tahimik lang at hindi na yata naalis ang pagkakakunot ng noo. Habang si Valerie ay nakikiramdam sa bawat galaw nito.

At nang hindi na sya makatiis sa katahimikan ay nagkulong sya sa kanyang silid hanggang sa dalawin sya ng antok at makatulog.

Nagising si Valerie ng madilim na ang paligid. Iinat inat syang bumangon at inayos ang sarili saka sya nagpasyang bumaba. Kumakalam na kasi ang kanyang sikmura.

Tahimik ang buong paligid ng bahay, wala syang ideya kung nasaan si Lucian at wala syang balak hanapin ito. Dumiretso sya sa kusina at lihim na nagpasalamat dahil may mga nakatakip na pagkain sa mesa. Mukhang nagluto na si Lucian kanina.

Nagmadali syang kumuha ng pinggan at kumuha ng kanin. May bawas na ang kanin sa rice cooker kaya alam nyang kumain na ang binata, nagmadali din syang kumain at alam nyang marami syang nakain dahil nakadalawang balik sya para kumuha ng kanin.

Dahil katatapos lang nyang kumain at masyado syang nabusog ay nagtungo sya sa likod ng bahay, magpapahangin muna sya at magpapababa ng kinain. Mukha naman wala si Lucian sa paligid o baka nagkukulong na din ito sa sariling silid kaya hindi nya ito makita.

Naglakad sya patungo sa swing na naroroon at saka umupo.

Hindi pa man nag iinit ang kanyang pang upo sa swing ay may naramdaman syang nagmamasid sakanya.

Iginala nya ang paningin sa paligid at ganon nalang ang pagkabog ng kanyang dibdib ng mamataan si Lucian na nakaupo sa bandang sulok ng pool. Hindi nya napansin ito kanina dahil madilim ang sulok na kinapupwestuhan nito. May bote ng alak sa tabi nito, halatang umiinom ang binata.

"K-Kanina ka pa ba dyan?" sya na ang nagbukas ng usapan dahil hindi sya makatagal sa titig nito.

"Medyo lang" tipid nitong sagot saka nilagok ang alak na nasa basong hawak nito at hindi inaalis ang pagkakatitig sakanya.

Tumango naman si Val saka tumayo. Ang plano nya ay umalis na at pumasok sa loob ng bahay at magkulong nalang sa silid, pero parang may kusang mga isip ang kanyang paa dahil naglakad ang mga ito palapit sa binata.

"Sit" wika ni Lucian

"H-Hindi na, papasok na din naman ako sa loob"

Tiningala sya ng binata at tinapik nito ang kanang bahagi ng kinauupuan nito.

"Val, sit" malumanay na ulit ni Lucian

Napakurap kurap sya habang napatitig sa mga mata nitong mapupungay at nangungusap.

A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon