Chapter 28

2.2K 45 0
                                    

Napabuntong hininga si Lucian, isipin palang nya na hinahawakan o hinahaplos ng mga kamay ng Khairo na yon ang katawan ni Val ay nanggigigil na sya sa sobrang galit, naikuyom nya ang kamao at parang gusto nyang balikan ang bangkay ng lalaki para pagpuputulin ang mga kamay nito.



Naramdaman nyang niyakap sya ni Val at hinalik halikan ang kanyang leeg. Napalunok sya, sa simpleng pagdampi palang ng mga labi ni Val sakanya ay nagsisimula ng magliyab ang kanyang katawan. Hanggang sa may maalala pa syang itanong.




"Ahmm.. Did he.." Nag alangan syang itanong pero hindi sya mapapakali hanggat hindi nya nalalaman ang sagot "Did that bastard kissed you?"




Ramdam ni Lucian na natigilan si Val at lumipas pa ang ilan sandali bago na naman to nakasagot. Napatiim bagang sya, kahit hindi ito sumagot, alam na nya ang sasabihin nito. That bastard!




"If I will lie to you magagalit ka right?" may pag aalinlangan tanong sakanya ni Val, lalong nadagdagan ang init ng ulo ni Lucian.




Binaklas nya ang pagkakayakap sakanya ni Val.

"Jaguar stop the car" utos nya kay Jaguar na syang nagprisintang magmaneho, hindi pa naman sila masyadong nakakalayo sa area




"Bakit?" sabay na napalingon sakanila si Jaguar at Flash




"Lucian bakit san ka pupunta?" taka din tanong sakanya ni Val




"Stop the fvcking car! Babalikan ko ang hayop na Khairo na yon and I will chop his body into pieces, dammit!"




"Bro malamang naisakay na sa sasakyan ang bangkay  ng gagong yon, patay na yon at sabi ni Thunder dinouble kill pa daw ni Vana kanina, anong gagawin mo? Ita-triple kill mo?" naiiling na sabi ni Flash




"Hindi na tayo pwedeng bumalik sa area, baka maabutan tayo ng mga pulis" sabi naman ni Jaguar





"Fvck!!!" umaalon ang dibdib ni Lucian sa matinding galit, yung nga hawak gigil na sya sa galit, yun pa kayang mahalikan ang dalaga?





"Lucian ano ba, tapos na, wala na sya, huminahon ka nga" pagpapakalma sakanya ni Val




"That bastard, hindi ka lang nya nahawakan, nahalikan pa anong gusto mo magparty ako?" naiiritang sabi nya




Sinamaan sya ng tingin ni Val pero hindi sya papaapekto sa masamang tingin nito, galit sya, galit na galit sya.




"Hindi ka ba talaga kakalma ha Lucian? Wala na nga sya diba?!" naiinis na din na sabi ni Val



"But he kissed you, dammit!!"



"Leche!! Patay na nga yon tao, nangyari na yon wala na tayo magagawa, kaya manahimik ka nalang dyan!" buwisit na din si Val




"But.."




"Bro, kalma lang, grabe ka kung makapagreact, daig mo pa ang asawang nagseselos" singit ni Thunder na ikinatahimik nya.



Shit!



Napatingin naman sakanya si Val kunot na kunot ang noo nito, pero agad syang nag iwas ng tingin. Galit pa rin sya pero nakaramdam sya ng hiya sa dalaga, may point si Thunder at isa pa ni hindi pa nga nya nasasabi kay Val ang nararamdaman nya, ni hindi nga nya alam kung ano sya sa buhay ng dalaga, wala silang napag usapan tungkol sa kung anong meron sila.

Pero ako ang nakauna sakanya. At nag usap kami, na sakin lang sya! Hiyaw ng kabilang bahagi ng kanyang utak



Napabuntonghinga sya at pilit kinalma ang sarili. Hinuli nya ang kamay ni Val at hinalikan.

A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon