"P-Pakakasalan mo ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Val kay Lucian.
Ang kabog ng kanyang dibdib ay sobrang lakas halos hindi na nya marinig ang mga kaluskos at ibat ibang ingay na nagmumula sa paligid.
Yun ba ang dahilan ni Lucian kaya niyaya sya nito ng date ngayong gabi?
Tumango si Lucian at buong pagmamahal na tinitigan ang kanyang mukha
"I love you Val, I love you so much. Inaamin ko na maloko ako sa mga babae noon pero simula ng makilala kita maraming nagbago sa buhay ko, wala na akong hinangad kundi makasama at makita ka palagi. Gusto kitang pakasalan, ikaw ang gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko, anak natin. Ikaw ang gusto kong ipakilala kay lolo bilang magiging asawa ko"
Hindi na napigilan ni Valerie ang mapaiyak. Tumulo na ng tuluyan ang kanyang mga luha.
"Mahal din kita Lucian, mahal na mahal din kita" umiiyak na sabi nya
Tumikhim si Logan saka tumayo.
Lumapit kay Val at tinapik tapik ang balikat ng dalaga.
Maya maya ay may kinuha itong patalim sa bulsa.
Nanlalaki ang mga matang ngkatinginan si Lucian ay Val.
"Logan!" hiyaw ni Lucian "Ako nalang ang patayin mo, huwag si Val, huwag ang babaeng mahal ko!" hiyaw ni Lucian
Lalong napaiyak si Val. Halo halo ang damdamin na nararamdaman nya sa mga oras na yon, pero kung sya ang tatanungin, mamatay syang masaya dahil kahit papaano bago sya mamatay ay nalaman nya na mahal na mahal din sya ng lalaking mahal nya.
"Logan fvck! Wag si Val.." natigilan si Lucian ng dumako si Logan sa likod ni Val at yumuko ito saka mabilis na hiniwa ang tali na nakatali sa mga kamay ng dalaga pgkatapos ay tali naman sa paa.
Maging si Val ay natigilan. Bakit sya pinakawalan ni Logan?
Iniabot sakanya ni Logan ang patalim.
"Ikaw na ang bahalang magkalas ng tali sa apo ko Valerie" wila ni Logan na ikinalaki ng mata ni Val
"Apo?" sabay na tanong pa ni Lucian at Val dito
Maya maya ay humalakhak si Logan at dahan dahang inalis nito ang maskara.
"Don Martin!"
"Lolo!"
Magkasabay na naman na sabi ng dalawa
"Pasensya na mga apo, medyo tinakot ko kayo" nakatawang sabi ni Don Martin saka bumaling kay Val "Gusto ko lang kasi mapadali ang pag amin ng apo ko sayo hija, matagal ko na yan gustong magkaroon ng asawa puro pambabae lang kasi ang ginagawa ng damuho kaya ginawa ko ito"
"Lolo!" nagpumiglas si Lucian na nakatali pa rin sa silya "Shit pakawalan mo ako Val!" naiinis na sabi ni Lucian
Pinandilatan naman ni Don Martin ang apo
"At pag pinakawalan ka? Sasaktan mo ako? Ang lolo mo?" tanong ng matanda
Sumama ang mukha ni Lucian saka nag iwas ng tingin
"Lo, hindi nakakatawa ang ginawa nyo! Hindi natuloy ang plano kong proposal kay Val dahil sa pagdukot mo samin"
Lalong natawa si Don Martin

BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomanceLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...