Nagising si Lucian na masakit ang ulo dahil sa hangover, pagkagaling kasi nya kahapon sa Hospital ay dumiretso sya agad kay General Vargaz at gaya ng kanyang inaasahan kumikilos palang daw ang mga tauhan nito para mag imbestiga sa pagdukot sa kanyang lolo, hanggang sa nabuksan na naman ang topic tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga magulang na hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na dahilan at hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang naging pagkamatay ng mga ito.
Alam nyang sinadya ang pagloloko ng makina ng eroplanong sinasakyan ng kanyang mga magulang, kaya imposible na lumabas sa report na aksidente ang nangyaring pagsabog ng eroplanong sinasakyan ng kanyang mama at papa. Malakas ang kutob nya na may kinalaman ang piloto dahil sa limang sakay nito sa pribadong eroplano na yon ay ito lamang ang himalang nabuhay at nakaligtas.
Mag iisang taon palang sa serbisyo ang pilotong yon bilang isa sa mga pribadong piloto ng kanilang pamilya, nagkataon na ng mga oras na yon ay ito lamang ang available na magpalipad ng eroplano dahil ang dalwang piloto na matagal na din naninilbihan sakanilang pamilya ay halos magkasunod na araw na naaksidente. Ang isa ay tumilapon sa minamaneho nitong motor at ang isa naman ay binabantayan ang asawa nito na nasagasaan daw ng rumaragasang sasakyan.
Maraming kalaban sa negosyo ang kanilang pamilya, lalo na ang kanyang ama na kareresign lamang sa navy isang taon bago mangyari ang aksidente, kaya naman hindi nakakapagtakang marami ang nagtatangka sa mga buhay nila.
Ang pilotong nakaligtas ay naabswelto at malayang nagpapasarap ngayon sa kung saan man ito naroroon ngayon dahil na din sa wala naman matibay na ebidensya na nakuha laban dito. Kaya naman sumali sya ng palihim sa isang high class detective agency sa France at doon sya ay nagsanay, hindi naman sya nahirapan sa mga natutunan nya dahil nasa dugo naman na talaga nya ang ganon dahil na din sa kanyang ama, idagdag pa na kasabay nyang nagsanay at sumali ang dalwa nyang matalik na kaibigan na si Raven at Izaac.
Hanggang ngayon ay mission pa rin ng grupo nila ang pagpuksa sa isang sindikato na baguhan palang sa mundo ng pagdukot ng mga mayayamang negosyante pero matagal ng nasa mundo ng pabebenta ng mga illegal na armas, nakaw na sasakyan at droga sa loob at labas ng Pilipinas at ng buong Asya.
At base na din sa pag iimbestiga nya, ang grupo din yon ang nakabangga ng ama nya noong nasa navy pa ito at napatay ng kanyang ama ang bunsong kapatid ng Big Boss kaya naman malakas talaga ang paniniwala nya na sinadya at planado ang pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Napabagsak na nila ang isang grupo nito sa Spain, ganon din sa Canada at Korea. At ngayon nga ay nandito ang mga walang hiya sa Pilipinas para dito naman maghasik ng lagim. Talagang hindi titigil sa pagpapalawak ng koneksyon ang masasamang iyon hanggat hindi nila napapatay o nahuhuli ang pinaka Big Boss ng sindikato.
Bumangon sya at sapo ang ulo na dumiretso sa banyo para maligo. Napailing iling nalang sya ng marealize na ngayon lamang sya uminom at nalasing at nakauwi ng penthouse na walang kasamang mga babae. Parang bigla syang nawalan ng gana muna sa pambabae ngayon dahil sa nangyari sa kanyang lolo.
Saktong paglabas nya ng banyo ay nag iingay ang kanyang cellphone. Mabilis nya itong dinampot at sinagot ng makitang si Raven ang tumatawag.
"Hello ano ng.."
Hindi na naituloy ni Lucian ang sasabihin ng salubungin sya ng mura ni Raven
"Fvck you!" halata sa boses nito ang pagkairita
"Same to you! Anong problema mo?Tumawag ka lang ba sakin para murahin ako?" salubong ang kilay na sabi nya dito
"Gago, kanina pa ako tumatawag halos umusok na nga tong phone ko kakaredial, tang na bro itapon mo na yan cellphone mo walang kwenta" inis na inis na saad ni Raven

BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomanceLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...