Ganadong pumuwesto si Val sa napili nyang pwestuhan sa rooftop at agad na inayos ang baril.
Habang nakasilip sa lense ng baril ay inilibot nya ang tingin sa kabuuan ng lawn. Napangisi sya, maganda ang napuwestuhan nya.
Lahat ng madaanan ng mata nya ay binabaril nya, sinisigurado nyang sa ulo lahat ang tama ng mga ito para hindi na mabuhay.
Hinanap nya si Lucian at inalalayan din nya ang binata sa mga humaharang at nag aabang dito. Marami na din itong napatumba at mas lalo syang humahanga sa binata dahil parang hindi manlang napapagod ito, mabilis din kumilos at asintado din bumaril.
Napailing iling sya, marahil noong mga panahon na nag suntukan silang dalawa ay hindi nito masyadong sineryoso ang pakikipaglaban sakanya dahil ibang iba ang Lucian na nakasuntukan nya noong isang araw kesa sa Lucian na nakikita nya ngayon na matapang na nakikipagbarilan at nakikipagbugbugan sa ibaba.
Natawa pa sya ng itaas nito ang kamay at mag finger heart.
"Baliw!" hindi nya napigilan ibulalas
Hanggang sa may mga namataan syang mga padating, may mga pulang taling panyo ito sa kanang braso, nakilala nya ang anim sa mga ito dahil mga kasamahan nya ito sa based na kinabibilangan nya.
Bahagyang gumaan ang kanyang loob, atlist hindi na nag iisa si Lucian sa ibaba, mabilis na nakarating ang back up.
Inabot din ng halos dalwang oras ang pakikipagbarilan at pakikipaglaban nila Lucian sa mga kalaban, masyadong marami ang mga ito para sa isang grupo lamang.
Nang masigurado na wala ng natitirang buhay sa mga kalaban ay nilapitan ni Lucian ang mga dumating na back up at saka nagpasalamat. Ang tanging kilala lamang nya sa walong back up na dumating ay dalwa lamang na kasamahan nya sa based habang ang anim ay nasisiguro nyang dito sa South based nang galing.
Inumpisahan na din na linisin ng mga ito ang mga kalat kaya iniwan na nya ang mga kasama at mabilis na umakyat sa rooftop para puntahan si Val.
"Val" sinalubong agad sya ni Val ng marinig ang pagtawag nya. Niyakap agad sya nito at tiningnan kung may sugat o tama sya ng bala.
Pakiramdam tuloy nya ay mas lalo syang nahulog sa dalaga dahil sa matinding pag aalalang nakita at naramdaman nya mula dito.
"Buti naman at wala kang sugat" nakahingang sabi ni Val sakanya
Napangiti naman sya ng matamis at pagigil na hinalikan ang ilong nito.
"Ayokong masugatan at matamaan ng bala, kapag nangyari yon baka makuha ka sakin ni Khairo" malambing nyang sabi sa dalaga
Inirapan naman sya nito at kagat labing yumakap sa batok nya
"As if naman papayag akong makuha nya, mamatay muna ako bago nya ako maangkin Lucian"
"Dapat lang dahil sakin ka lang" matigas nyang sabi saka siniil ng halik ito sa labi
Bumaba sila na malinis na ang paligid. Pero ang mga back up ay nandoon pa rin at mga nagkakape.
Magkakasabay na napatingin ito sakanila pero mas tumutok ang mga mata nito sa dalaga na ikinairita nya.
"Men your eyes, she's mine" matigas nyang sabi saka hinapit si Val palapit sakanya.
Kinurot naman sya ni Val sa tagiliran at pinandilatan saka matamis na ngumiti sa mga naroroon.
"Salamat sa inyo guys, hindi ko akalain na kayo pala ang darating na back up" nakangiting sabi nya sa mga nagkakape
Ang isa ay muntik ng masamid habang ang ilan ay parang natuklaw ng ahas.
Agad na umigkas ang kanyang kilay.
BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomansaLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...