Chapter 2

2.6K 49 0
                                    

Mabilis na nailayo ni Valerie si Don Martin sa hide out. Sa isang iglap ay sakay na sya ng kanyang ducati habang angkas sa kanyang likod ang matanda.

Lihim syang napapamura ng marealize ang kanyang ginawa, mayayari sya ng kanilang Boss kapag nalaman nito ang kanyang kapalpakang nagawa.

Napabuntong hininga nalang sya at mas pinabilis pa ang pagpapatakbo sa kanyang motor. Ihahatid nya si Don Martin sa pinakamalapit na Hospital pero sa bandang malayo-layo sa area at saka nya ito iiwanan.

Alam nyang sa mga oras na ito ay pinaghahanap na ito, kilalang tao si Don Martin at ayaw nyang mas madagdagan pa ang sakit ng kanyang ulo at problema kapag nahuli pa sya ng mga pulis.



*Lucian


"What the hell is happening to you guys?! Bakit hindi nyo pa rin mahanap si lolo?!" nag aapoy sa galit ang mga mata ni Lucian habang kaharap nya sa kanyang pribadong opisina ang dalwang kasamahan nya sa organisasyon na kinabibilangan nya.

Nasa kainitan sya ng pakikipag laro sa kama sa dalwang babae na inuwi nya sa kanyang penthouse ng may tumawag sakanya kanina para ibalita na dinukot daw ang kanyang lolo sa airport pagkarating nito galing sa London. 

Damn!! Gusto nyang sabunutan ang sarili sa sobrang pag aalala at galit na nararamdaman.

Sa sobrang galit nya ay pinalayas agad nya ang dalwang babaeng katalik kahit na hindi pa nakakapagbihis ang mga ito. Wala syang pakielam kung lumabas man ang mga ito ng kanyang penthouse na walang mga saplot sa katawan.

Agad syang dumiretso sa kanyang opisina at nadatnan doon si Raven at Izaac. Matalik nyang kaibigan ang dalwa at kasama din nya ang mga ito sa organisasyong sinalihan nya na hindi alam ng kanyang lolo.


"Lucian pre ginawa na namin ang lahat para ma-trace ang kinaroroonan ni Don Martin pero hindi talaga namin sya mahanap, matatalino ang mga dumukot sakanya, inalis ang tracking device na palaging ikinakabit ng lolo mo kapag pupunta sya ng ibang bansa o kaya kapag papunta dito" paliwanag ni Raven


Napabuga sya ng hangin at padabog na umupo.

"The CCTV, dammit! Hindi nyo ba tiningnan ang mga CCTV?!"


Kinunutan sya ng noo ni Izaac.

"We already checked the CCTV and.."


"Wala din? Wala din kayong nakita? Fvck!!!!" halos sumabog na sya sa matinding pag aalala at galit. "Anong sabi ng mga walang kwentang pulis?" gigil nyang tanong

Malaki ang galit nya sa mga pulis simula ng mamatay ang kanyang mga magulang six years ago ay nawalan na sya ng amor at tiwala sa mga ito.



Nagkatinginan ang dalwa nyang kaibigan at parehas na umiling.

"What?!" naiirita nyang tanong



"Ayaw ipaalam ni Logan ang nangyari sa lolo mo sa mga kapulisan, mas magiging delikado ang buhay ni Don Martin kung makikielam ang mga pulis at kung kakalat ang balita na dinukot ito" kunot noong sabi ni Izaac


"At matutuwa at tiyak na magpipyesta ang media ganon na din ang mga kalaban nyo sa negosyo kapag nalaman ang nangyari kay Don Martin" dagdag ni Raven



"Fvck!" naihilamos ni Lucian ang kamay sa kanyang mukha saka tumayo. "Where is Logan? I want to talk to him face to face, kailangan mahanap agad si lolo" mariin nyang sabi

Napatitig naman sakanya ang dalwa na akala mo ay napugutan sya ng ulo




"Bro alam mong kahit kami ay hindi pa nakakaharap o nakakausap si Logan" wika ni Raven



A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon