Sa pagkabigla ni Valerie ay inisang hakbang sya ni Lucian at mahigpit na hinawakan sa braso. Pero dahil masama syang mabigla ng mga aksyon na ganon ay awtomatikong hinawakan ng isa nyang kamay ang kamay ni Lucian na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso, mabilis nya itong inalis sa pagkakahawak sakanya at hinila nya ang braso ng lalaki saka patulak itong isinandal sa pader at tinuunan nya ng isang siko ang lalamunan nito.
Sobrang lapit ng kanilang mukha sa isat-isa, matalim pa rin ang titig sakanya ni Lucian habang sya ay pinaningkitan ito ng mata.
Akmang kikilos si Lucian para kumawala pero idinikit ni Valerie ang katawan sa binata para hindi ito makawala. Sobrang dikit na dikit ang kanilang mga katawan at gahibla nalang ang pagkakalayo ng kanilang mga mukha.
"Subukan mo ulit na hawakan ako ng ganoon babalian talaga kita ng buto" banta ni Valerie kay Lucian at halos magdikit na ang kanilang labi dahil sa kanyang pagsasalita.
Para namang biglang nawala sa tamang pag iisip si Lucian. Ang mainit at mabangong hininga ni Valerie na tumatama sa kanyang mukha at ang labi nitong halos nakadikit na sakanyang labi ay nakakapagpatuliro sa kanyang katinuan. Idagdag pa ang malambot at mainit nitong katawan na sobrang dikit na dikit din sakanyang katawan.
Napalunok sya ng maramdaman na nabubuhay ang kanyang pagkakalalaki, and for goddam sake naka jogger pants lamang sya at pag bumukol ito mararamdaman yon ni Valerie!!
"Huwag mong pilitin na patulan kita, hindi ako pumapatol sa babae" matigas na sabi ni Lucian at pilit iwinawaksi sa kanyang utak at pakiramdam ang nabubuhay na dugo sa kanyang katawan.
Ngumisi si Valerie at mas idinikit pa sakanya ang katawan nito. Alam nyang hindi sinasadya ni Valerie na masagi ang kanyang pagkalalaki ng hita nito kaya naman lalong pumintig ang kanyang alaga at mas lalo pa itong nagising ng matuon ang atensyon nya sa dibdib ng dalaga na nakadikit sa kanyang dibdib. Damang dama nya ang mabilog at tayong tayong dibdib ni Valerie.
Fvck!! Fvck!!!! Sunod sunod na mura ang pinakawalan ni Lucian ng hindi na nya napigilan ang kanyang pagkalalaki na tumayo at bumukol.
Sumikdo ang dibdib ni Valerie at nanlalaki ang mga matang napatungo ng maramdaman ang matigas na bagay na yon na tumatama malapit sa kanyang puson. Hindi sya tanga at hindi din ipinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang matigas na bagay na yon.
Shit! Ngayon lang nya narealize kung anong itsura nila ng lalaki, sobrang dikit ng kanilang katawan. At halos mag init ang kanyang pisngi ng maramdaman na nagsisimulang manigas ang kanyang nipple na nakadikit din sa matigas na dibdib ng binata.
"And now dalawa na kaming nagagalit sayo" nakakalokong wika nito, mabilis nyang inalis ang pagkakatingin sa ibaba at muling ibinalik ang mata sa mukha ni Lucian pero laking gulat nya ng dumaplis ang kanyang labi sa labi nito.
Nabitiwan nya si Lucian at akma syang aatras pero mabilis na bumawi si Lucian, kumilos agad ito para hulihin ang kanyang braso at ilagay sa kanyang likod. Napangiwi sya ng makaramdam ng kirot dahil sa ginawa nito.
Ang nangyari tuloy ay nasa likod na nya si Lucian habang pigil pigil nito ang isa nyang braso na nakapilipit at halos mapa igtad sya ng iyakap ni Lucian ang isa pa nitong braso sa bewang nya at hapitin sya palapit sa katawan nito.
Damn! Ramdam nya sa kanyang pang upo na tumatama ang matigas na bagay na yon ni Lucian.
"Bitiwan mo ako gago!" nagpumiglas sya pero dahil sa mga estrangherong pakiramdam na nararamdaman nya sa kanyang katawan ay wala syang maraming lakas para kumawala sa pagkakahawak nito.
BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomansaLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...
