Chapter 9

2.4K 36 0
                                    

"San mo ba talaga ako balak dalhin?" Naiinis na sya kay Lucian dahil hindi talaga nito sinasabi kung saan sya dadalhin ng binata.


"Kanina ka pa tanong ng tanong, hindi ka ba nakakahalata na ayaw kong sagutin yan tinatanong mo?" kunot noong sabi ni Lucian

Napahalukipkip si Valerie sa pagkainis.

Hindi nya alam kung anong sumanib sakanya para maging sunud-sunuran kay Lucian. Wala pang kahit sino ang nakakagawa at nakakapag utos sakanya ng mga bagay na nagagawa ni Lucian sakanya. Tanging ang lalaking ito lamang ang may lakas ng loob na kalabanin at pasunurin sya.


"Bakit kasi kailangan na dalhin mo pa ako sa kung saan, hindi ko kailangan ng proteksyon o magtago sa kahit kanino, matagal ng palaging nasa panganib ang buhay ko pero hanggang ngayon buhay pa rin ako"


Mapaklang natawa si Lucian at mabilis syang sinulyapan.

"Sawa ka na ba sa buhay mo? Hindi ka ba natatakot na mamatay?"


"Hindi ako natatakot na mamatay, kung oras ko na, oras ko na talaga at wala na tayong magagawa dun!" matapang at mabilis nyang tugon kaya naman napapalatak si Lucian



"Your crazy" iiling iling na sabi nito



"Maybe I am" mabilis ulit nyang tugon


"Napakaraming tao sa Hospital at may mga sakit at yung iba nag aagaw buhay pero gumagastos sila para lang mabuhay pero ikaw parang balewala lang sayo ang buhay mo"




"Mahal ko ang buhay ko hindi lang talaga ako natatakot mamatay" nakaingos nyang tugon


"Nagka boyfriend ka na ba? I'm sure as hell na wala kang boyfriend ngayon dahil kung meron malamang matatakot kang mamatay dahil hindi mo gugustuhin na iwan sya at mapapunta sya sa iba"


Tinaasan nya ng kilay ang binata.

"Wala kang karapatan tanungin ang personal kong buhay Lucian"

Tumaas din ang kilay ng binata at nakakalokong ngumiti sakanya.

"May karapatan ako Val, simula ng mahalikan kita kanina nagkaroon na ako ng karapatan, kaya sabihin mo sakin kung may boyfriend ka or nagka boyfriend ka na para alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko" diretsong sabi ni Lucian

Nahigit ni Val ang kanyang paghinga ng maalala ang mainit nilang paghahalikan kanina ni Lucian sa kanyang unit. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin nya ang napakalambot nitong labi at ang napakasarap nitong halik. Napalunok sya.


"What? Hindi ka na sumagot" untag sakanya ni Lucian

Humalukipkip sya at ibinaling sa labas ng sasakyan ang paningin.

"NBSB" tipid at mahina nyang sabi


"Talaga?" Paniniguro pa ni Lucian


"Hindi din ako ang tipo na nag uulit ng sinasabi" kunot noo nyang sabi



"Ok" nakangiting tugon ni Lucian na ikinapagtaka naman ni Val.


"Bakit parang ang saya mo?" taas kilay na tanong ni Val dito


"Wala kang pakialam" biglang nagsungit na tugon ni Lucian at saka kinunutan sya ng noo


"Gago" sabi naman nya dito at ipinikit nalang nya ang mata para magkunwari na matutulog sya "Matutulog ako, gisingin mo nalang ako kapag nandon na tayo sa pupuntahan natin, at wag kang maingay, ayoko ng may kumakausap sakin kapag matutulog ako" mataray nyang sabi habang nakapikit


A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon