Parang may bombang sumabog sa ulo nya ng marinig ang sinabi ni Izaac.
"A-Anong sinabi mo Izaac?"
"Fvck you!" angil ng kaibigan nya sa kabilang linya
"Pinsan mo si Val at.. at... isa din syang agent?" paglilinaw nya
Napabuntong hininga si Izaac at saka muling umangil sakanya.
"Know what Luc, gustong gusto kitang tustahin sa ginawa mo sa pinsan ko, kung saan saan nalang kayo inaabot ng kalibugan nyo sa buong bahay, alam nyong may mga cctv na nakapalibot doon, kung gago lang akong pinsan at kaibigan marami na akong naibentang porn scandal sa black market ng dahil sa mga pinag gagawa mo sa pinsan ko! Gago!" Muli itong napabuntong hininga "Pasalamat ka at ako ang nakatoka sa mga cctv"
Hindi nya pinansin ang mga panenermon ni Izaac, wala syang pakielam kung napanood man nito ang mga pinaggagawa nila ni Val, alam ng kaibigan nya na wild sya pagdating sa sex at nakakasabay pa nya minsan ito sa pakikipagtalik sa apat o limang babae, ganon din si Raven. Pare-pareho lang silang mahihilig kaya nga lalo silang nagkasundo at naging closed dahil sa mga kalokohan nilang pinag gagawa.
"Answer me Izaac, agent din ba si Val? Myembro din ba sya ng organisasyon?" gusto nyang maliwanagan. Dahil naguguluhan sya, kung myembro nga ang dalaga, bakit hindi nya ito nakikita at hindi manlang naging familiar sakanya ang mukha nito.
"Ano bang sinabi ko Vazquez? She's one of our high class top rank assassin! Ibig sabihin isa sya sa pinakamagaling sa lahat ng magagaling!" Galit na pag uulit ni Izaac saka muli itong nagsalita na may kasama pang malutong na mura
"Tang !na, hindi mo sya kilala dahil naka based sya sa South! At saka alam natin lahat na masyadong pribado at hindi basta basta pwedeng may makakilala o makalapit sa mga assassins ng organisasyon. Their identity and looks are forbidden to all members. Tanging sila lang mga assassins ang nakakakilala at nakakaalam sa itsura ng bawat isa. At kung nagtataka ka kung bakit kasama sya sa sindikatong dumukot sa lolo mo, mission nya yon, inutos yon ni Logan na pumasok sya sa grupo para maging spy at para isabotahe ang mga malalaking transaction nila" gigil na kuwento ni Izaac
"Sya ang dahilan at tumulong satin kung bakit tayo nagtagumpay sa mission natin sa Korea at Canada, kaya kung ako sayo, wag kang gago! Kumilos ka at bantayan mo ang pinsan ko, hindi sya si wonder woman para kayanin lahat at sagupain ang masasamang loob Lucian tao din sya at anytime pwede syang mamatay sa kamay ng mga kalaban kaya kung ako sayo , kung gusto mo pang matikman ang langit sa piling ng pinsan ko, sundan mo sya at wag mong pairalin yan pride mo! Gago!" minsan lang magsalita si Izaac ng mahaba at yun ay pag galit ito. At alam ni Lucian na galit talaga ang kanyang kaibigan kasi nga isa talaga syang malaking gago.
"Where is she?" pinaandar nya ang makina ng sasakyan at mabilis na pinaharurot ito.
Hindi sya makakapagyag na may mangyaring masama sa dalaga. Dahil kapag may nangyari dito, sarili lang nya ang sisisihin nya dahil masyado nyang hinusgahan ang babaeng pinakamamahal nya.
"On her way to her condo" mabilis na sagot ni Izaac
"Bakit pupunta sya doon?"
Napatiim bagang sya, anong pumasok sa kukote ng babaeng yon para bumalik sa condo nito?
"Kasi nga umalis na sya sa bahay-bahayan nyo, stupid!"
Napailing sya. Magpinsan nga sila. Minsan na rin nyang narinig kay Val na sinabihan syang stupid nito.
"Lucian kelangan mo syang maibalik sa bahay, nakaplano na ang lahat doon, hindi pwdeng mabalewala ang mga pinaghirapan natin, at mas maganda ang lugar na yon para sa mga target" wika ulit ni Izaac

BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomantizmLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...