Hindi alam ni Val kung anong oras sya nagising, basta ang alam nya madilim na ibig sabihin gabi na. Pabalikwas syang bumangon pero muli syang napahiga dahil ramdam na ramdam nya ang pagod.
Wala na si Lucian sa kanyang tabi kaya naman pinilit na nyang bumangon at saka sya naligo.
Pgkatapos maligo ay nagkalkal sya ng damit ng binata sa cabinet nito at napili nyang isuot ang isang boxer short nito at isang tshirt.
Lumabas sya ng silid na tahimik ang buong paligid.
Saan kaya nagpunta si Lucian?
Dumiretso sya sa kusina para uminom ng tubig at maghanap ng pwedeng kainin, hanggang sa mapatingin sya sa note na nakadikit sa ref.
Val,
I'll pick you up at 9:00PM,
I'll take you out for a date.
Wear the dress on the red box.
Lucian
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Val at hinanap ang red box na sinabi ng binata, hindi naman kasi nito sinabi kung saan nito inilagay o ipinatong.
Nakita nya ang pulang box na nakapatong sa bed side table ng sofa na nasa sala, agad nyang kinuha ito at binuksan.
"Wow!" manghang sabi nya ng mabistahan ang damit, kulay pula din ang dress na pencil cut style at hanggang tuhod ang haba na may maliit na slit sa gilid, off shoulder ang kabilang bahagi ng balikat. Meron din katerno itong sandals na bagay na bagay sa style ng damit. At lumawak ang kanyang pagkakangiti ng makita na may kasama din na set ng pang make up ang box at meron din pang ayos sa buhok.
Iba ka talaga Lucian!
Nakangisi nyang turan sa isip
Napatingin sya sa oras, 7:30pm palang ng gabi, may oras pa sya para mag bihis at mag ayos.
Isang oras ang itinagal ng pagbibihis at pag aayos ni Val. Kanina ay tumawag si Lucian para icheck kung gising na sya at ipinalala nito na susunduin sya ng las nueve ng gabi.
Binistahan nya ang sarili sa salamin at nagustuhan naman nya ang kanyang sariling ayos. Manipis lang ang make up na nilagay nya dahil alam naman nya na kahit hindi sya mag make up maganda na talaga sya, at ayaw nyang masyadong magpaganda baka atakihin na naman ng selos si Lucian kapag maraming lumingon at tumingin sakanya na mga lalaki, nakita na nya kung gano ito magselos at magalit dahil kay Khairo at kahit hindi magsalita o sabihin ni Lucian sakanya, nararamdaman nyang may pagtingin din ito sakanya na gaya ng nararamdaman nya.
Eight forty five ng tumunog ang door bell, mabilis syang napatayo, mas maaga pa sa inaasahang oras ang pagsundo sakanya ni Lucian.
Isang malawak na ngiti ang ipinaskil nya sa kanyang labi ng pagbuksan ang lalaki pero ganon nalang ang panlalaki ng kanyang mata na hindi si Lucian ang kanyang mapagbuksan kundi dalawang lalaki na hindi nya kilala. May baril itong hawak at nakatutok sakanya.
Agad na napahakbang paatras si Val, pero kumilos agad ang dalawang lalaki para mahawakan sya, pero dahil alerto sya mabilis nyang sinuntok ang isa habang ang isa ay pinilipit nya ang kamay.
Lihim syang napamura dahil nahihirapan syang kumilos, dahil sa kanyang dress na suot at sandals.
Hinuli ng isang lalaki ang kanyang braso ng makabawi ito sa panununtok nya, pero agad syang nagpumiglas at pinilit na sumipa pero dahil naka pencil cut sya naging mahina lang ang pagkakasipa nya. Mabilis syang lumayo sa dalawa at hinubad ang mga sandals.
BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomanceLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...