Chapter 10

2.4K 44 0
                                    

Nakapaghain na si Lucian pero hindi pa rin kumikilos si Valerie para kumain. Nakatunganga pa rin sya habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng lalaki.


"Let's eat" yaya ni Lucian pero napatitig lang sakanya si Valerie

Pumitik sya sa hangin para gisingin ang diwa nito at halata naman tumalab dahil halatang nagulat ito.

Tumikhim muna ang dalaga saka hinarap ang pagkain.

"Marunong ka palang magluto" umpisa nito saka nagsimula na din maglagay sa kanyang plato ng ulam at kanin.

"Oo naman, I lived independent in France when I was on college, hindi ako kumuha ng maid or makakasama sa tinitirahan ko dahil gusto ko talagang matuto" tugon ni Lucian saka sumubo ng pagkain


Tumango tango si Valerie habang ngumunguya ng pagkain at ng malunok nya ang pagkain ay saka sya nagsalita

"Masarap" tipid na sabi ni Valerie

Para namang nakahinga ng maluwag si Lucian.

"Totoo? Baka naman labas sa ilong lang yan, ok lang naman sakin kung magsasabi ka ng totoo kung hindi masarap"

Muling sumubo ulit ang dalaga at mabilis na nginuya ito saka sumubo ulit at nginuya ito saka lumunok.

"Masarap nga, paborito ko kaya tong niluto mo" nakangiting sabi ni Val at halata naman sa dalaga na nagsasabi ito ng totoo.

Para namang lumutang sa alapaap ang naging pakiramdam ni Lucian, hindi nya maipaliwanag kung gaano sya kasaya na makitang nagustuhan at paborito pa pala ng dalaga ang napili nyang lutuin.

Napangiti sya ng malawak at ginanahan syang kumain.

"Salamat, sige kain ka pa para naman mapatunayan mo sakin na masarap talaga" nangingiti nyang biro dito


Inirapan naman sya ni Valerie pero sa pagkakataon ito ay nakangiti din ito sakanya.

"Kakain talaga ako ng marami, hindi tayo kumain ng tanghalian kanina kaya babawi ako ngayon" natatawa nitong sabi saka muling kumain.

Pasulyap sulyap si Lucian at nangingiti habang pinagmamasdan ang dalaga dahil magana itong kumain. Hindi din nya mapigilan matawa sa isip dahil kakaiba talaga ang babaeng kasama nya ngayon. Dahil si Val ay walang kiyeme at walang pakialam kahit magmukha itong patay gutom sa pagkain, hindi ito nahihiyang kumain sa harap nya. Samantalang ang ibang babae kapag kasama nyang kumain ay halos ilan kutsara lang ang kinakain at napakarami pang arte at seremonyas sa pagkain. Karamihan pa nga ay halos hindi kumain para lang maalagaan ang magandang kurba ng kanilang katawan, pero si Val kahit pa yata kumain ito ng sandamakmak ay walang pakialam kahit tumaba o lumobo pa ito.

"Ganyan ka talaga kumain?" hindi nya napigilan itanong dito

Kunot noong tiningnan sya ng dalaga saka uminom ng tubig bago nagsalita.

"Oo bakit may problema ba sa pagkain ko?"
Muli itong kumuha ng kanin at naglagay sa plato.


Napangiti sya sa ikinilos ng dalaga.

"Nothing, natuwa lang ako kasi nagustuhan mo yung niluto ko"


Napakagat sa labi si Valerie saka tumingin sakanya, napansin nyang namula ito.

Damn! She's beautiful!

"Masarap naman talaga, saka malakas talaga akong kumain, hindi ko nga alam kung bakit hindi ako tumataba eh"


Yeah! And I like that. Lihim na sagot ng isip ni Lucian

"I see.. mas ok nga yan ganyan kesa naman sa ibang babae na ang daming arte pagdating sa diet kaya nakakawalang ganang kumain kapag nagkakaroon ako ng kasabay na ganon"

A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon