Chapter 27

2K 37 0
                                        

"Ako na ang magbubukas" prisinta ni Thunder ng makitang nag alinlangan si Lucian ng nasa harap na sila ng pinto ng silid ni Khairo.


Salubong ang kilay na tumango si Lucian at medyo tumabi, pigil ang hininga ni Lucian ng barilin ni Thunder ang door knob at malakas na sinipa ito.



Hindi pa man nakikita ni Lucian ang loob ng silid ay lalo syang kinabahan ng matigilan si Thunder na nasa kanyang unahan at magmura

"Shit!"


Dahil sa pagkatulala ni Thunder ay hinawi nya ito ng buong lakas at ganon nalang ang pag ngangalit ng kanyang bagang sa nabungaran eksena.


May hubot hubad na lalaki ang nakahiga sa kama at hindi nya nakikita ang mukha o itsura nito dahil natatakpan ito ng babaeng nakaupo sa ibabaw nito at nakatalikod sakanilang pwesto. Naka under wear lang ng manipis ang babae at hinding hindi sya magkakamali na makilala ito dahil kahit pa yata anino ni Val ay makikilala agad nya sa unang tingin.


Parang tumigil ang mundo ni Lucian at namutlang nakatulala sa eksenang naabutan.

"Val" nanghihinang banggit nya sa pangalan ng babae, hindi nya matanggap ang naabutan na eksena, hindi nya lubos maisip na nakipagtalik si Val sa ibang lalaki.

Unti-unti ay nagdidilim ang kanyang paningin dahil sa matinding poot, galit at paninibugho. Nasisiguro nyang si Khairo ang katalik ni Val dahil ito ang silid na itinuro ng mga babae sakanya, ito ang silid ni Khairo.


Lumingon si Val at biglang nanlaki ang mga mata. Agad itong umalis sa pagkakaupo sa ibabaw ng lalaki, at hinila ang kumot at mabilis na ipinalupot sa katawan para matakpan ang kabuuan nito.



"Thunder si mommy, puntahan mo" rinig nyang utos ni Val kay Thunder na agad naman sinunod ng huli



"Val, bakit mo ginawa sakin to. Akala ko ba ako lang?" nanginginig ang buong kalamnan ni Lucian habang nakatingin sa mukha ng dalaga. Sabog sabog ang buhok nito at pawisan. Medyo nangingitim din ang kabilang bahagi ng pisngi nito pero hindi nya pinansin yon, dahil unti-unti ay kinakain ng poot ang kanyang buong pagkatao para sa babaeng nasa kanyang harapan ngayon.



"L-Lucian ikaw lang naman talaga" humakbang palapit sakanya ang dalaga pero umatras sya



"Fvck! Wag mo akong lalapitan! Pagkatapos ng ginawa mo ngayon ang kapal ng mukha mong sabihin na ako lang? Ano ako gago?" galit na wika nya kay Val


Halatang naguluhan si Val sa kanyang mga sinasabi, gusto nyang sakalin ito dahil napakagaling na maging artista at magpanggap na inosente kahit na harap harapan na nyang nakita ang lahat.


"Lucian hindi kita maintindihan, ano bang sinasabi mo?"



Naikuyom ni Lucian ang kamao.
Ginagago ba talaga sya ng babaeng to? Mukha ba syang tanga para lalong gaguhin ni Val?



"Huwag mo akong gaguhin Val, tang !na naman ano bang palagay mo sakin? Tanga? Uto-uto?"


Napahilamos sa mukha si Val at halatang naiirita na din

"Ano ba kasing ibig mong sabihin?"


"Kitang kita ng dalawang mata ko na nakikipagtalik ka sa hayop na yan!" galit nyang turo sa lalaking nakahiga at bahagya syang natigilan ng mapansin na hindi na gumagalaw ito at duguan ang mukha at ulo nito. "Damn!"


"Gago ka ba? Ako? Makikipagtalik sa hayop na yan? Mamatay muna ako bago ako makuha ng demonyong yan!" galit na sabi ni Val sakanya


Napakurap kurap sya at napahakbang palapit sa lalaki.

A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon