Nang makarating sila sa 15th floor ay pumasok ulit sila sa loob ng condo mula sa fire exit.
"Bakit tayo pumasok ulit? Baka may madamay dito" inis tanong ni Val kay Lucian
Hinila lang sya ni Lucian at ng mapatapat sila sa isang unit ay may dinukot itong key card sa back pocket at ginamit yon para mabuksan ang pinto.
"Get in" pinaunang papasukin ni Lucian si Val sa unit at bago sya pumasok ay lumingon lingon pa muna sya para siguraduhin na walang tao sa paligid.
"Kaninong unit to?" tanong agad sakanya ni Val ng mailock nya ang pinto
"Sa akin" tipid nyang sagot at mabilis na hinubad ang suot na long sleeve.
Nanlaki naman ang mata ni Val kasabay ng pamumula ng mukha nito.
Hindi nya napigilan mapangiti ng pilyo dahil nababasa nya ang iniisip ng dalaga, isinunod nyang hubarin ang kanyang mga sapatos.
"Lucian anong ginagawa mo?" pulang pula ang mukhang tanong sakanya ni Val at hindi inaalis ang mata sa pagtitig sakanyang hubad na katawan
"Taking off my clothes" pigil ang tawang tugon nya at gusto nyang sunggaban ng dalaga ng lalo itong mamula at lumunok ng isunod nyang hubarin ang kanyang slacks na suot.
"A-Ano ba Lucian, hindi ito ang oras para sa kalandian mo, nasa gitna tayo ng laban tapos nakakaisip ka pa ng.." natigil sa pagsasalita si Valerie ng makitang kumuha sya ng pants sa cabinet at isinuot yon, sunod ay pumili sya ng komportableng tshirt saka leather jacket.
"Ano bang iniisip mo Val?" natatawang tanong nya sa dalaga ng makapagbihis sya.
Napaatras si Val at nag iwas ng tingin ng humakbang sya palapit dito, saka dinaanan ito.
Kumuha sya ng sneakers at isinuot yon saka muling tumitig sa dalaga na hindi pa rin maalis ang pamumula.
"Hey, hindi ka na nakapagsalita dyan" nanunudyo nyang sabi at nilapitan nya ito
Dinuro sya ni Valerie
"Wag kang lalapit Lucian, baka masapak kita!" pinandilatan sya nito pero hindi nya yon pinansin, lumapit pa rin sya dito.
"Isa!" banta ni Val at saka umatras to
"Hindi mo gugustuhin sapakin o suntukin ulit ako Val, dahil alam mo kung anong kaparusahan kapag ginawa mo ulit yon sakin" napapangisi nyang sabi
Napalunok ng sunod sunod si Val.
"Lucian wag mong sagarin ang pasensya ko, sinabi ko ng wag kang lalapit gago ka. Malaki pa ang atraso mo sakin!" galit na sabi ng dalaga na ikinalito nya.
"What the fvck are you talking about? Ako pa ang may atraso sayo?"
Ang tigas din naman ng mukha ng babaeng to para sabihin na sya ang may atraso, eh kumg tutuusin nga ito dapat ang mahiya at matakot sakanya dahil niloko sya nito at pinaasa. May iba tong lalaki for God sake!
Taas noong tumango si Val.
"Oo kaya wag mo akong subukan, masasaktan ka talaga sakin!" banta ulit nito
Napapalatak si Lucian at inilang hakbang ang dalaga. Pikon na pikon na talaga sya.
"Sinabi ng wag kang lalapit gago ka!" sinugod sya ni Val ng suntok pero naiwasan nya ito, sinundan pa ng isa pero nakailag ulit sya, ang hindi nya naiwasan ay ng mabilis na gumalaw ang paa nito, nag slide ito at yumuko saka sya sinipa sa binti dahilan para matumba sya.

BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomanceLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...