Chapter 3

2.4K 48 0
                                        

*Lucian

"Lo!" nagmamadali syang lumapit sa kanyang lolo na ngayon ay maayos ng naka nahiga sa hospital bed at halatang nagamot na ang mga tinamong sugat nito.

May benda ang kaliwang braso ng kanyang abuelo at may mga pasa sa mukha, at hindi na din sya magtataka kung makikita nya ang katawan ng kanyang lolo na puno din ng pasa.



"Apo ang bilis mo naman makarating dito" nakangiti pang sabi ng lolo ni Lucian sakanya at saka ito bumangon na akala mo ay walang mga pasa at sugat sa katawan.

Mabilis naman syang inalalayan ni Lucian.



"Lo wag ka munang kumilos baka may bali ka or.."



Napatigil sa pagsasalita si Lucian ng bahagya syang tapikin sa braso ng kanyang abuelo

"Ano ka ba Lucian, pasa at sugat lamang ito, hindi ko pa ikakamatay ito. Hindi pa ako pwedeng mamatay dahil hindi ka pa nag aasawa apo" natatawa at naiiling na sabi ng kanyang lolo



Napakurap kurap si Lucian at tumikhim naman ang dalwa nyang kasama na si Raven at Izaac.

Pagharap nya sa dalwa ay parehong nakangisi ang mga ito.

Mga gago!

Muli nyang ibinalik ang tingin sakanyang lolo.


"Lo this is not the right time to talk about woman, ano bang nangyari at bakit naman sobrang tatanga ng mga bodyguards mo?" naiinis nyang tanong sakanyang lolo


"Whoa apo, kelan ka pa nawalan ng interes na pag usapan ang babae? Bago yun sa pandinig ko" nanunudyo pang sabi ng kanyang abuelo at mas nairita sya dahil narinig nyang natawa ang dalawa na tahimik na nanonood sa kanilang dalwang maglolo.



"Lo wala ako sa mood para makipag biruan sanyo" naiirita talaga sya.

Lintek na pag aasawa yan!




Itinaas naman ng matanda ang kamay bilang pagsuko. Saka naging seryoso na ang mukha nito.


"Walang kasalanan ang mga body guards ko kaya wag mo silang pagsalitaan ng kung ano ano hijo" tumikhim muna ito at umayos ng upo sa kama. "Kasalanan ko dahil pinilit ko yung isa  na ibili ako ng kape at yung isa naman ay pizza, nagutom ako sa byahe at hindi ko gusto ang pagkain sa eroplano" naiiling na kwento ng matanda


Kunot noong napatango sya, alam nyang paborito ng kanyang abuelo ang pizza at pag nag crave ito ng pizza ay kelangan talagang mabili o makakain ito dahil daig pa nito ang naglilihi kapag natakam sa pagkain na yon. Kaya nga halos bilhin na ng kanyang lolo ang pinakamalaking share ng isang sikat na Pizza Restau sa France at ganon din dito sa Pilipinas.


"How about the other? Hindi ba at tatlo ang bodyguards mo bukod sa driver mo?" taka pa rin nyang tanong sa matanda



Nagkibit balikat ang kanyang abuelo

"Nag CR" tipid nitong sabi



"Kailangan managot ang mga dumukot sayo Lo" wika ni Lucian



Tumango lang ang kanyang lolo saka marahan nahiga.

"Ako na ang bahala sa mga yon apo, tinawagan ko na si General Vargas, pinapaasikaso ko na sakanya ang lahat"


Napailing naman bigla si Lucian

"Pulis na naman" pagak syang natawa "I don't trust them Lo, you know that"



A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon