Chapter 5

2.3K 47 1
                                        

Katatapos lang maligo ni Valerie ng makaramdam sya na may hindi magandang nangyayari sa labas ng kanyang inookupang unit.

Kahit mahina ang mga kalabog ay ramdam nyang may masamang nangyayari sa labas, lalo na at narinig nyang pilit na may nagbubukas ng pinto ng kanyang silid.

Dahil sa pagmamadali ay hindi na sya nag abala pang magbihis, mahigpit nalang nyang itinali ang roba na kanyang suot at inihanda ang sarili.

Humahakbang palang syang palapit sa pinto ng pwersahan na itong mabuksan ng kung sino mang pangahas na nasa labas.

Dalawang lalaki agad na parehong naka itim at balot na balot ng mask ang mga mukha ang bumungad sakanya at agad syang tinutukan ng baril ng isa, pero dahil alerto sya ay mabilis syang nakakilos at inihagis ang nadampot nyang swiss knife sa isang lalaki na may hawak ng baril.

Nabitiwan nito ang baril habang ang isa naman ay akmang dudukot din ng baril pero mabilis syang nakalapit dito at binigyan ng isang malakas na sipa sa panga.

Na out of balance ang lalaki, sinamantala ni Valerie ang kilos na yon para pasundan pa ng isang malakas na sipa sa sikmura ito at inundayan din nya ng isang malakas na suntok sa sikmura dahilan para tuluyan itong mapaatras at matumba palabas ng pinto ng kanyang unit.

"Lintek kang babae ka, papatayin na talaga kita!" wika ng lalaking may tama ng swiss knife sa braso.

Agad nyang nakilala ang boses kaya naman ganon nalang ang kanyang ngisi.

Nilapitan nya ito at hinila ang brasong duguan kaya naman nappahiyaw ito sa sobrang sakit.

"Ahhhhhh...!!!"

"Ano Ben, masakit ba? Kulang pa yan sa ginawa nyong pambubugbog kay Don Martin at sa mapangahas nyong pang iistorbo sa pamamahinga ko,hmp!" mas diniinan nya ang paghawak sa braso nitong duguan kaya halos mahimatay na si Ben sa sobrang sakit ng kanyang sugat na natamo.


"Tang ina ka babae ka!" hiyaw nito


"Tang ina pala ako ha.. Eto gago ka!" hinaltak nya ang braso nito at hinila patayo si Ben saka mabilis syang umikot at sa isang iglap ay bagsak at nakahiga na sa sahig si Ben sa sahig, agad itong nawalan ng malay.

Sisiw! Natatawa pang wika ni Valerie sa sarili

Tumayo sya para sana lumabas sa pinto pero agad na may sumalubong ulit sakanya at inundayan sya ng hawak nitong balisong.

Napahakbang sya paatras at pagkuway umupo sya at mabilis na sinipa ang paa ng lalaki, agad syang umikot para magkapalit sila ng pwesto. Sya ngayon ang nasa bungad ng pinto. Nang makabawi ang lalaki ay umakma ulit itong susugurin sya ng patalim pero mabilis nya ulit itong naiwasan at hinuli ang braso ng lalaki saka hinila ito palapit sakanya at ginawa nyang panangga sa bala na dapat ay tatama sakanya.

Namataan kasi nya ang isang lalaki sa bandang gilid na itinutok saknya ang hawak nitong baril kaya ginawa nyang pang sangga  sa bala ang katawan ng isa nitong kasamahan.

Nang matamaan ng bala ang kasamahan nito ay binitiwan agad nya ito at mabilis syang kumilos. Patakbo syang lumapit sa lalaking may hawak ng baril at ng paputukin muli nito ang baril atly mabilis ulit syang nakaiwas at parang lumilipad na patakbong naglakad sya sa labas ng pader ng kanyang unit at diretsong sinipa ang lalaki sa mukha, nabitiwan nito ang baril at nasapo ang mukha. Hindi na nya hinayaan pang makakilos ulit ito kaya sinundan agad nya ng isang pang malakas na sipa sa leeg nito dahilan para tuluyan itong mawalan ng malay.

Hindi pa nakakapwesto ng maayos sa pagtayo si Valerie ng makita nyang may dalawang lalaki na naka mask din pero kakaiba ang suot sa mga nakalaban nya, ang isa ay naka khaki short at nakapolo shirt ng kulay asul habang ang isa naman na titig na titig sakanya habang nakakunot ang noo ay naka jogger pants ng itim at naka v-neck shirt lang ng kulay pula.

A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon