Nang matapos silang kumain at mag usap ng mga personal na bagay ay binuksan na ni Dark ang secret device na nasa singsing nito. Niyaya sya nitong maglakad at umikot sa loob ng Mall.
"San mo pinarada ang motor ko?" tanong ni Val habang naglalakad sila.
"Sa parking syempre, saan pa ba?"
Malakas nyang hinampas ito sa balikat.
"Aray! Vana naman!" daing nito
Umingos sya at iniwan ito. Wala itong kaalam alam na nakuha na nya ang susi ng kanyang motor sa bulsa nito. Kung paano nya nagawa yon, diskarte at sekreto na nya yon.
"Hey" habol sakanya ni Dark pero hindi nya ito pinansin
"Babe!" muli nitong tawag pero deadma
Hanggang sa maabutan sya nito at sinabayan sa paglalakad.
"Hindi mo makukuha ang motor mo dahil hindi ko pa binibigay sayo ang susi at.." natigilan at napanganga ito ng makita na hawak nya ang susi at pinaglaro laro yun sa kanyang kamay
"Damn! Pano mo nakuha yan sa.."
Nginisihan nya ito at saka sya nangunyapit sa braso ng binata.
"Ano? Humanga ka na naman sa galing ko noh?" nakangisi nyang tanong kay Dark
Umasim ang mukha nito at kinalas ang pagkakayakap nya sa braso nito saka inakbayan sya at ginulo ang kanyang buhok.
"Mandurugas ka lang talaga!"
"Hoy hindi ah" tumaas ang kilay nya ng matigilan si Dark at sinundan nya ng tingin ang tinitingnan nito.
Dalawang chinese ang magkausap habang naglalakad palabas sa Mall habang nakasunod dito ang anim na lalaki na alam nyang mga bodyguard nito
"Yan ang target?" bulong nyang tanong sa kapatid
"Oo" iginiya sya nito para sumunod sa target.
Nang matapos ang board meeting ay nagkayayaan ang mga board members na kumain sa labas dahil birthday ng isa sa share holder ng kumpanya. Hindi sana sasama si Lucian dahil ang balak nya ay dalawin ang kanyang lolo na nakauwi na sa mansyon nito pero makulit ang mga kasama nya at nahiya na din syang tumanggi dahil sya ang CEO.
Papunta na sila sa Mall kung saan doon nagpareserve ang may birthday na kasama nila ng maka tanggap sya ng text mula kay Val na lalabas daw ito at mag sashopping. Hindi sana nya papayagan ang dalaga dahil nag aalala sya dito pero hinayaan nalang din nya dahil baka naiinip na ang dalaga sa tinitirahan nila.. Ilan araw din itong hindi lumalabas dahil palagi nya itong ikinukulong sa kanyang mga bisig. Ang isipin palang na magkayakap sila ng dalaga ay nakakaramdam na agad sya ng kakaibang init sa katawan. Napabuntong hininga sya.
Hindi sya dapat mag alala kay Val dahil nasa plano naman talaga nila na ipain ang dalaga sa mga kalaban, kung tutuusin ay walang kaalam alam si Val na sinisimulan na nito ang kanilang plano dahil lumabas ito ngayon para mag shopping.
Saka alam nyang nakasunod si Raven kay Val at nakabantay din si Izaac dito sa pamamagitan ng tracking device na inilagay nya sa cellphone nito. Bukod doon ay may mga nakaalertong iba pa nyang kasamahan para bantayan at sundan si Val. Pero hindi pa rin nya maiwasan mag alala at isipin ang kalagayan nito.
Katatapos lang nilang kumain ng sinubukan nyang tawagan si Val. Kanina pa sya txt ng txt dito pero hindi ito nagrereply. Nagsisimula na syang mag alala para dito.
BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
Roman d'amourLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...