Chapter 8

2.4K 54 1
                                    

Malalakas at sunod-sunod na katok ang umistorbo sa pamamahinga at pag iisip ni Valerie, simula ng makabalik sya kahapon dito sa kanyang unit mula sa Hospital ay wala pa naman ulit nambulabog sakanya o nagtangkang patayin ulit sya.

Nakatulog naman sya ng mapayapa at mahimbing kagabi kaya nasa mood sya ngayon para makapag isip ng mga bagay bagay dahil sa pinasok nyang gulo.

Hinintay nyang magparamdam o tawagan sya ng kaniyang Boss kahapon o kahit ng isa sa kanyang mga kasamahan pero wala syang natanggap na tawag, ano ba ang gagawin nya? Hindi na nya pwedeng ituloy ang kanyang naumpisahan dahil sumablay na sya, at hanggang ngayon wala pa syang natatanggap na tawag kung ano ang susunod nyang gagawin.

Inis syang tumayo mula sa kanyang higaan at lumabas ng kanyang silid tulugan, hindi na sya nag abala pang ayusin ang kanyang magulong buhok at tanging isang malaking towel lamang ang nahila nya para ipantakip sa kanyang manipis na pantulog.

Hindi sya sanay matulog ng may saplot sa katawan pero dahil nasa panganib ang kanyang buhay ngayon kinailangan nyang matulog ng may saplot sa katawan para kung sakaling magkaroon ng gulo, meron pa rin syang saplot na suot kahit papaano. At dahil hindi nga sya sanay ng may saplot, yung pinakamanipis na spagetty strap na kulay pink na pantulog ang kanyang napiling isuot na hanggang sa itaas lamang ng kanyang tuhod ang haba, tanging panty lamang nya ang kanyang panloob dahil hindi sya makahinga kapag natutulog sya ng may suot na bra.

Hindi pa rin tumitigil sa pagkalampag sa kanyang pinto ang tao sa labas kaya naman inis na syang napamura.

"Shit! Sandali lang!" inis na sigaw nya at ewan nya kung maririnig yon ng tao sa labas dahil sa pagkakatanda nya sound proof ang mga unit sa condo na kanyang inookupa.

Padabog na binuksan at hinila nyang pabukas ang pinto.

"Ano bang.."

"What the hell...?!"

Halos magkasabay na sabi nila sa isat isa ni Lucian ng pagbuksan nya ito ng pinto.

Mabilis na humagod sa kanyang kabuuan ang binata kaya naman isasarado sana nya ulit ang pinto pero mabilis na naipasok ni Lucian ang katawan nito at mismong ito na ang nagsarado at nilock pa talaga ng gago ang pinto ng makapasok ito ng tuluyan.

"Anong ginagawa mo dito?" naguguluhang tanong ni Valerie kay Lucian at nawala na sa isip nya ang towel na ipantatakip sana nya sa kanyang pantulog. Nabitiwan nya ito kanina ng pagbuksan nya ng pinto ang lalaki at makilala kung sino ito.

Si Lucian naman ay hindi maialis ang mga mata sa pagkakatitig sa kabuuan ni Valerie. Bakat na bakat ang dalwang mabilog nitong dibdib ganon na din ang mga nipples nito sa napakanipis nitong suot, bumaba ang tingin nya sa maliit nitong bewang at sa underwear nitong suot pababa sa hita nitong naka expose at..

"Stop eye-raping me Lucian!" inis na sabi ni Valerie kasabay ng pagtama sakanyang mukha ng isang throw pillow na ibinato nito

Imbes na mainis ay hindi napigilan ni Lucian na makaramdam ng kasiyahan dahil napakasarap sa pandinig na marinig nya ang kanyang pangalan mula sa bibig ni Valerie. Paano na kung iungol pa nito ang kanyang pangalan mas masarap sigurong pakinggan ang mga ungol nito.

"Huwag kang ngumiti dyan na para kang tanga" muling sabi ni Valerie na nakapagpabalik sa kanya sa tamang huwisyo.

Tumikhim sya at ganon nalang ang kanyang paglunok ng makita ulit ang tayong tayong dalwang malalaking parang bundok na yon sa dibdib ng dalaga.

"H-Hindi ka manlang ba mag aabalang takpan yang.. yang ano" napalunok ulit sya at gusto nyang sapakin ang sarili dahil ngayon lamang sya nautal ng ganito sa harap ng isang babae.

A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon