Habang nagmamaneho patungo sa Hospital ay hindi maiwasan ni Lucian na sulyap sulyapan sa side mirror si Valerie. Hanggang ngayon hindi pa rin sya makapaniwala na may babaeng gaya nito. Oo sa ahensya nila marami syang kilalang babae na matatapang at gaya din nitong marunong lumaban pero hindi nya maipaliwanag sa sarili kung bakit kakaiba ang dating at hatak sakanya ng awra at personality ni Valerie. Masyado itong maangas at palaban na malayong malayo sa taglay nitong kagandahan.
Hindi mo lang kasi matanggap na parang balewala lang sakanya ang charm at kaguwapuhan mo! Tinig ng kabilang bahagi ng kanyang isip.
Ang iba kasing babae o halos lahat ng mga kababaihan na makilala nya o makasalamuha nya ay halos sambahin na sya at gagawin ang lahat mapansin lamang nya ang mga ito at bonus nalang sa kanilang kasiyahan kapag naimbitahan pa nya na maikama ang mga ito. Pero ang babaeng sinusulyap sulyapan nya na nagmamaneho ng motor nitong ducati ay kakaiba. Parang balewala lang sya sa paningin nito at wala manlang syang nakitang kahit anong hint na tinablan o naapektuhan ito ng kanyang presensya.
Fvck! Bigla nalang syang nainis sa sarili at nafufrustrate sya dahil hindi din nya alam kung bakit!
Nangunot ang noo nya ng pagsulyap nya muli sa side mirror ay wala na ang dalaga doon at pagbaling nya sa unahan ay nandodoon na ito at mas pinabilis pa nito ang takbo hanggang sa hindi na nya ito makita.
Damn! Ano bang klaseng babae yon? Sa inis nya ay binilisan na din nya ang pagpapatakbo ng sasakyan at nasulyapan pa nya si Raven na pilit na bumbuntot sa kanya
Nailing nalang sya sa sarili. Simula ng makita nya kung paano lumaban at pabagsakin ni Valerie ang mga kalaban ay nagkaganito na sya at ang mas nakakuha sakanya ng atensyon para sa babae ay ang makikinis at malaporselana nitong kutis at kitang kita nya yon habang sumisipa ito at hindi maiwasan na may masilip sya sa loob ng suot nitong roba.
Ang binti at hita nito na mahahaba, mapuputi at napakakinis at halos masilip na nya ang singit nito habang sumisipa ito at kita nya kung gaano ito kaputi, ang talampakan nito na mamula mula, ang bilugan balakang at pang upo nito na gusto nyang panggigilan, ang cleavage nito na sumisilip sa pagkakatali nito sa kanyang roba, ang mapula at makipot nitong labi, matangos na ilong at kulay hazel nuts na mata.
Napalunok lunok si Lucian at parang nanuyo ang kanyang lalamunan, kelan pa umabot sa ganitong pag iisip at pagpapatansya ang kanyang napaka inosenteng utak para sa isang babae? Sa dami ng babae nyang naikama pare pareho lang naman ang mga ito, makikinis, mapuputi, magaganda at katakam takam tingnan at ikama..
Pero iba si Valerie, there's something to her na kahit wala syang gawin at ngitian ka lang ay titigasan ka na! Biglang singit ng kabilang bahagi ng kanyang utak. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at lalo pa itong nagdikit ng maramdaman nyang unti-unti ay nabubuhay ang kanyang pagkakalalaki.
Fvck! This is not good!
Naabutan nila ni Raven si Valerie na bumababa na sa kanyang motor at inaalis nito ang nakasuot na helmet. At nang matanggal na nito ang helmet ay kusang nalaglag ang mahaba at alon alon nitong buhok saka nito sinuklay ng sariling kamay iyon.
Napatunganga na naman sya dahil napakagandang tingnan at panoorin ng bawat pagkilos ni Valerie.
"Cool, ngayon ko napatunayan na may Wonder Woman talaga sa mundong ibabaw" rinig nyang wika ni Raven saka lumapit kay Valerie.
Agad na nagsalubong ang kanyang kilay ng kuhanin ni Raven ang helmet ng dalaga at ito na mismo ang mag ayos sa pagkakapatong nito sa motor.
Mabilis na napahakbang si Lucian palapit sa dalawa.
BINABASA MO ANG
A Bad Liar (Completed)
RomanceLucian Antonio Vazquez, single, guwapo, matalino, babaero at nag iisang tagapag-mana ni Don Martin Vazquez na syang isa sa mga natala na syang may pinakamalaking yaman sa buong Asya. Wala sa bukabolaryo nya ang magseryoso sa relasyon o sa isang bab...