Chapter 18

2.1K 33 0
                                    

Inaayos ni Lucian ang mga gamit nila sa sala ng mapansin nito na may crack ang screen ng TV.

Salubong ang kilay na nilapitan nya ito at napatuon ang mata nya sa wasak na remote control na nasa sahig.

Pinulot agad nya ang remote at hinarap si Val na isa isang inilalabas sa dala nitong back pack ang mga baril at patalim na nakalagay sa bag nito.

"Binato mo ba ang tv?" agad nyang tanong sa dalaga dahil sila lang naman dalawa ang nakatira sa bahay, imposible din naman may nakapasok na iba dahil sasabihin agad yon sakanya ni Izaac kung meron.

Natigilan naman si Val at umilap ang mata saka tumikhim

"Nabuwisit ako sa napanood ko kaya ayan hindi ko sinasadya na maibato yan"

"Ano bang pinanood mo?" muli nyang tanong habang inaayos ang remote

"None of your business"

Mabilis na dinampot ni Val ang mga gamit nito at saka nagmartsang umakyat sa hagdan.

Agad naman nyang sinundan si Val hanggang sa makapasok ito sa silid. Ibinato nito sa kama ang mga hawak na gamit at akmang huhubarin ang blouse ng matigilan at mapatingin sakanya.

"Labas" taboy ng dalaga

"Bakit naman ako lalabas, pwede ka naman magbihis ng nandito ako, nakita ko ng lahat yan Val, wala ka ng dapat itago pa sakin" pigil ang ngiting sabi nya saka sya naglakad patungo sa bintana ng kuwarto.

Narinig nyang bumuntong hininga si Val.

"Lucian lumabas ka muna, magbibihis ako"

Humarap sya sa dalaga pinilit nyang maging blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Ayoko"

Inirapan sya ni Val at padabog na dinampot ang malinis na damit nito at saka nagtungo sa banyo.

Napailing nalang sya at hinintay na makapahbihis ang dalaga.

Nagulat pa ito dahil nandoon pa rin sya ng lumabas ito sa banyo.

"Nandito ka pa rin"

Humalukipkip sya at saka tinitigan ang nagtataray niyong mukha.

"I missed you" masuyong sambit ni Lucian

Saglit na natigilan si Val, ang puso nya ay biglang nagbago ang ritmo sa pagtibok. Parang biglang kinapos sya ng hangin at nabablangko ang kanyang utak sa gagawin.

"A-Ano bang sinasabi mo" tanging nasabi nya at halos magkanda utal pa sya. Kumilos sya para may mapagtuunan ng pansin, naisip nyang kalkalin ang kanyang mga naiwan gamit sa cabinet kahit wala naman syang aayusin o hahanapin.

"Val.." naputol ang sasabihin ni Lucian ng tumunog ang telepono nito. Agad naman nitong kinuha ng lalaki sa bulsa at sinagot ang tawag.

"Oh? Balita?" rinig nyang sabi ni Lucian, saka naramdaman nyang naglakad ito palabas ng kanyang silid.

Nang makalabas si Lucian para kausapin ang tumawag dito ay mabilis na kumilos si Val para pumunta sa bintana at sumagap ng hangin. Pakiramdam nya ay nasusufocate sya at kailangan nyang makasagap ng maraming hangin.

Ilang saglit palang syang nakatanaw sa bintana ng may matanawan sya na paparating na sasakyan hanggang sa tumigil ito sa harap ng gate.

May bumaba doon na dalawang matangkad na lalaki, ang isa ay naka shade at naka cap at familiar sakanya ng tindig nito. Habang ang isa naman ay medyo mahaba ang buhok. May malaking bag na dala ang mga ito. Pumasok ang lalaking naka cap at binuksan ang gate para maipasok ang sasakyan ng kasama nilang driver.

A Bad Liar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon