FIRST DAY OF SCHOOLZoie's POV
KRIINNGG!! KRIINNGG!!
Sinira ng bwisit na alarm yung sarap ng tulog ko! Nabwisit ako kaya tinapon ko kung saan yung alarm clock ko. Bakit naman nag alarm toh ng ganito kaaga eh wala naman akong training ngayon. Monday kaya ngayon noh! Ang Training ko lang naman ay saturday at sunday lang kaya nakakapagtaka.
Napatingin naman ako sa kalendaryo ko sa kwarto at unti unting nanlaki ang mga mata ko.
First day of class ko pala ngayon!
Bakit nakalimutan ko! tinignan ko yung oras 7 o'clock na. shit! 7:30 yung pasok ko.
Kaya napatalon ako sa kama ko, at kamalas malasan namang naapakan ko yung alarm clock na binato ko kanina kaya ayun, natumba ako at nauna ang mukha ko!
Ang sakit ng mukha ko bwisit na alarm clock na 'yon! dinampot ko 'yon at tinapon magpapabili nalang ako mamaya.
Dumiretso na ko sa banyo at nakalimutan ko na nagmamadali pala ako 7:12 na?!
"Ang bilis naman ng oras?"
Pumasok na 'ko sa banyo at minadali ko nang maligo kasi late na 'ko pagkatapos ko maligo nagbihis ako ng Black Jeans at long sleeves na damit inipit ko na rin yung buhok ko ng bun at sinuot ko na yung napakalaki kong glasses...
Alam kong may tanong kayo sa isip nyo kung bakit kailangan ko mag disguise as a nerd. Yun ay dahil wala dapat makakilala sakin dito sa pilipinas dahil tumakas lang ako sa mga gangs na gustong kumalaban sakin at patayin ako sa korea.
Yes, sa korea ako nakatira at nag aaral dati kaya marunong ako mag korean, kaya lang naman ako pumunta dito sa Manila eh hindi dahil sa natatakot ako mabugbog o mapatay. Nakakabagnot lang kasi sa korea at walang kwentang kalaban yung mga gangs dun kaya lumipat ako dito sa Pinas.
Bumaba na ko sa kwarto ko nandito ako sa bahay namin ng pamilya ko sa pilipinas. Actually hindi sya bahay, mansyon sya kasi malaki at marami kaming maids at guards. Pero hindi sila basta bastang trabahador lang dahil kagaya din nila ako. Maski, ang mga katulong ay may mga baril na tinatago. Ako lang ang nandito na myembro ng pamilya namin ngayon kasi nga tumakas lang ako.
"Ms. Zoie, kumain na ho kayo nakahanda na ho ang inyong agahan."magalang na sabi ng isa sa mga maids namin.
"Hindi ako kakain itapon nyo nalang yan mala-late na ko"sagot ko, yes bitch ako kahit sa kanila at wala akong balak na maging mabait sa kanila no, hello! binabayaran namin sila dito kaya wag silang maarte. Hindi na rin sya sumagot at lumabas na ko.
"Good morning, Ms. Zoie" sabi ng isa sa mga guard namin hindi ko naman sya pinansin at inalalayan nya na 'kong sumakay sa kotse at pinaandar na nung driver namin yung sasakyan.
Nung malapit na kami sa school ay pinatigil ko sya sa gilid. Ayokong magpahatid sa mismong school kasi para saan pa yung pag didisguise ko kung ganon. Bababa na sana ako pero nagsalita pa yung driver namin.
"Ahm, Ms. Zoie ayos lang po ba talaga sa inyo na mag isa? kung gusto nyo po magpapadala po ako ng isang guard para sa inyo"sabi nya.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ang babaeng pinagtritripan mo ay isa palang Gangster? Akala mong simpleng Nerd na student lang, pero isa palang Leon na nagtatago sa katawang Pusa. How a gangster fall in love despite of her cold heart? A girl y...