CHAPTER 41

212 11 0
                                    

WHY HIM?

Brant's POV

Nung umalis si Zoie ay naiwan kaming dalawa ni Zakiah.

Pinanood ko pa siyang maglakad paalis na palinga linga sa paligid na tila may hinahanap.

Nag aalala ako sa kaniya kahit alam ko namang kaya niya ang sarili. Sana ay bumalik siya dito ny walang dugo sa katawan niya. Dahil tuwing umaalis siya ay palagi nalang siyang bumabalik na may dugo sa katawan. Hindi mo malaman kung sariling dugo niya ba iyon o dugo ng mga nakalaban niya.

Natigil naman ang pag iisip ko ng biglang magsalita si Zakiah. Sinasanay ko na ang sarili ko na tawagin siyang Zakiah dahil yun naman talaga ang totoo niyang pangalan.

"Siya iyong tinutukoy mo diba?" Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko, lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nagulat man ako ay hinayaan ko nalang dahil inakay niya ako paupo sa isang upuan at binitawan din iyon.

"Yung babaeng gusto mo."

Napataas ang kilay ko ng marinig iyon. Oo nga pala binanggit ko sa kaniya na may gusto ako sa isang babae. Pero sa tingin ko ay nagkamali ako na gusto ko nga si Zoie.

"I don't think i like her..." Sambit ko habang nakatingin sa mga nilalaro kong daliri...

".... I love her."

Right.. Mabilis ba? Ewan ko pero yun talaga ang nararamdaman ko eh. Paano ko nasabing mahal ko na siya? Dahil ba sa maganda siya? Sexy? Matapang? Matalino? O dahil ba kakaiba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko?

Hindi... because, If you love someone, you don't know what's the exact reason. It just happen that.... You love her.

Hindi ko nga alam kung paano ako magpapasalamat na dumating siya sa buhay ko... Mahirap pero ang sarap sa feeling na may isang Zoie akong nakilala. At wala na akong ibang mahihiling kundi ang mapasakin siya.

We don't meet people by accident. They're meant to cross our path for a reason.

And i guess the reason why we met is because, we're meant to be together and love each other forever.

It sounds cheesy but i love that thought of being with her until my last breath...

Napalingon naman ako sa braso ko ng naramdaman kong may humawak dun. I literally got goosebumps dahil sa paghawak niya sa braso ko dahil hindi lang basta hawak ang ginagawa niya. Hinihimas niya iyon.

Nagtataka ko siyang nilingon. "W-what are you doing?"

"Kambal ko si Zoie... Magkamukha kami Brant.. At kaya ko ding gawin ang lahat ng kaya niya.." mahina pero bakas sa boses niya na para bang inaakit niya ako.

What the hell is she talking about?

"What do you mean about that?" Magkasalubong ang kilay kong tinanong iyon.

Bakit niya ba sinasabi iyon? What is she trying to say?

"Gusto ko lang sabihin na, pwede rin ako... Kaya kitang paligayahin ng higit pa sa kaniya." Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"What no! Are you out of your mind?" Medyo tumaas ang boses ko ng sinabi iyon. Napapano ba siya? Bakit parang bigla siyang nagbago? Hindi naman siya ganito nun.

Oh sadyang hindi ko pa siya ganun kakilala at ito talaga ang totoo niyang kulay?

Is she trying to seduce me? It's not going to work on me.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon