CHAPTER 28

406 20 6
                                    


FAKE


Brant's POV

Pagkauwi ko galing school ay 4pm na.

Pagkarating ko sa bahay nia Zoie ay lutang ang isip ko. Di ko parin talaga makalimutan yung pagngisi ni Fynn kanina tsaka yung sinabi ni Raye.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan dun.

Paano pala kung peke lang sila? Paano kung matagal na pala nila akong pinaplastik.

Erase erase! Hindi ko dapat isipin yun. Think positive.

Pagkapasok ko sa loob ay umakyat na agad ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit.

Pagkapalit ko ng damit ay pabagsak akong nahiga sa kama ko, parang feeling ko sobrang pagod ako kahit wala naman ako masyadong ginawa buong maghapon.

Habang nagmumuni muni ako ay biglang bumukas yung pinto kaya napaupo ako.

Pagtingin ko sa kung sino ang pumasok ay si Zoie lang pala, umayos ako ng upo at sumandal sa sandalan ng kama.

"How's school?"  tanong nya at naupo sa may tabi ko.

"Feels weird and different." Bikit balikat pang sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nya.

"Yung dalawang kaibigan ko, they act different. Hindi ko maexplain pero alam kong may kakaiba sa kanila." Sabi ko, kase totoo naman. May kakaiba talaga sa kanila ngayon.

Hindi ko din inaaasahang pababayaan lang nila akong hindi sila pansinin. Like wtf? After ko silang sabihang layuan na ako, gagawin naman nila?

"Hmm, una palang naisip ko na toh, naisip ko na baka ito ang mangyari."

"Bakit, ano ba sa tingin mo ang nangyayare?" Tanong ko sa kaniya. Umakto naman syang nag iisip.

"Sa tingin ko, wag muna nating pangunahan. Malay mo hindi mangyare yung naiisip ko diba?" Nakangiti pa sya habang sinasabi yun.

Alam kong ayaw nya lang akong mag isip ng kung ano kaya hindi na nya itinuloy yung sasabihin nya.

Biglang may pumasok sa isip ko, sana pumayag sya.

"Zoie?" Tawag ko sa kanya at tinignan sya ng diretso

"Hmm?" Sagot nya habang nakatingin sa pinto

"Busy ka ba bukas?" Tanong ko, please sana hindi.

"Hindi naman, bakit?"

"Yayain sana kita lumabas." Sabi ko, bigla namang nanlaki ang mata nya at dahan dahang tinignan din ako.

"Like a date?"di parin makapaniwalang tanong nya.

"If that's what you think then be it." Nakangiti kong sabi, nagblush nanaman sya. Bakit ba sobrang cute nya pag namumula sya?

Bigla naman syang tumikhim at umayos ng upo, yung diretsong upo.

Ano yan? Ngayon lang nagprocess sa utak nya ang pagiging cute nya at nakalimutan nyang Gangster sya? Hahaha.

"Ano payag ka ba?" Tanong ko.

"Ok, wala naman akong gagawin bukas eh." Parang napilitan pang sabi nya pero i'm sure gusto nya naman haha.

"Sure na yan ha? Promise?" Tanong ko sa kanya at itinaas pa ang isang kamay ko.

Tinignan naman nya ako sa mata at sinabing.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon